ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kier Legaspi wooing SexBomb Rochelle again


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngiti lang ang isinasagot ni Kier Legaspi tuwing tinatanong siya kung naging sila ba talaga ng SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan. Sa press launch ng Season 17 presentation ng Daisy Siete na may pamagat na "Ulingling," naintriga ang entertainment press nang sabihin ni Kier na never daw niyang ikinahiya si Rochelle sa kanyang mga kaibigan. Understandably ay nagkaroon sila ng relasyon, pero hindi ito nilinaw ni Kier. "Naging maganda ang friendship namin ni Rochelle since nagkatrabaho kami sa Daisy Siete. I did two seasons noon bago ako ulit pumasok nitong ‘Tabachingching.' Matagal din kaming hindi nakapagtrabaho together, pero naging constant naman ang communication namin ni Rochelle," kuwento ni Kier. Inamin ni Kier na nanligaw nga siya kay Rochelle, pero bigla itong naputol. "It was my fault naman kasi may mga nangyari sa buhay ko that time na hindi maiwasan," sabi ni Kier. "Nag-explain naman ako kay Rochelle kasi nagulat din siya kung bakit daw ako tumigil." Ngayon at loveless pa rin si Kier, mukhang seryoso na siya na makarelasyon si Rochelle. "Magsisimula ulit kami," nakangiting sabi ng aktor. "Mas maganda if we start fresh, di ba? Si Rochelle naman, mabait na tao ‘yan. Kaming dalawa ang parating nagsasabihan ng problema noon kaya naging sobrang close kami. This time, bahala na kung ano mangyari. Alam naman ni Rochelle na special siya sa akin." - Philippine Entertainment Portal