ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera to go topless if offered Dyesebel


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ayaw munang umasa ng young actress na si Marian Rivera sa balitang siya na ang gaganap sa TV remake sa isa sa sikat na komiks classic ni Mars Ravelo na Dyesebel. Ayon kay Marian, wala pa naman daw formal offer sa kanya para siya ang gumanap sa role ng pinakasikat na sirena sa mundo ng komiks, na noong gawing pelikula ay ginampanan nina Edna Luna, Vilma Santos, at Alice Dixson. Sinabi pa ni Marian na hindi pa naman daw siya kinakausap ng GMA management tungkol sa naturang project na magiging kapalit daw ng Marimar na matatapos sa March 2008. Nabasa lang daw niya na siya ang napipisil na gumanap bilang Dyesebel, pero hindi raw siya magbabase dito not until ipatawag siya para sabihin sa kanya nang pormal na siya na nga si Dyesebel. "Mabuti na yung pormal ang lahat," sabi ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ayoko namang mag-feeling na ako na ang gaganap sa project na ito pero may naiisip pa pala silang ibang aktres. Hintayin ko na lang siguro kung ano talaga. Mahirap mag-assume, di ba? Tutal nandiyan pa naman ang Marimar. Magiging busy pa rin ako until early next year." In case na pormal nang ibigay sa kanya ang Dyesebel, willing bang mag-topless si Marian para sa role na 'yon? "Bakit naman hindi?" sabay tawa niya. "Oo naman, wala namang sirenang naka-bra, di ba? Except siyempre sa Disney cartoon na The Little Mermaid kasi pambata naman ‘yon. Pero sa mga foreign movies na tungkol sa sirena, wala naman talaga silang suot na bra. Puro buhok lang na nakatakip sa dibdib nila." Payag daw si Marian mag-topless dahil alam niyang maaalagaan nang husto ang mga eksena niya kapag magaling na direktor ang hahawak. Samantala, isa sa pinaka-in demand na aktres ngayon si Marian dahil sa success ng Marimar. Bukod sa ito ang highest rating na programa ngayon, siksik pa ito ng commercials. Kaya naman si Marian ay sunud-sunod din ang mga commercials na natatanggap na gawin. "Nagkataon lang po," nakangiting sabi ni Marian. "Natutuwa naman ako na nabibigyang-pansin na ako because of Marimar. Maraming nabago sa buhay ko dahil sa pagbibigay ng tiwala ng GMA sa akin. Masasabi ko na unti-unting nababago ang takbo ng buhay ko at ng pamilya ko." Sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival, dalawa ang pelikulang kinabibilangan ni Marian—ang Bahay Kubo na ipalalabas sa December 25 at ang Desperadas na ipapalabas naman sa January 1. - Philippine Entertainment Portal