Ibinahagi ni Arny Ross kung paano siya nananatiling positibo sa kabila ng mga hindi magagandang nangyayari dahil sa COVID-19 crisis.

"An overload of negative or stressful thoughts can create a general sense of impending doom. But when I choose to state my gratefulness to God instead of focusing on a negative feeling, I often experience the weight begin to lift," paglalahad ni Arny sa kaniyang Instagram stories.

Ibinahagi ni Arny kamakailan na nagsara ang kanilang negosyo, at iniisip niya rin ang mga bayarin sa renta at pasuweldo ng kanilang mga empleyado habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Gayunman, naisipan pa rin ni Arny at ng kaniyang fiance na si Franklin Banogon na maghandog ng milk tea para sa mga frontliner na nagmamando ng mga checkpoint.

"Napaka-importante ng pagtutulungan, pagbabayanihan. Anong part mo bilang Pilipino sa crisis na ito? Lahat tyo pwedeng tumulong, sa paraang kaya natin. Maliit man o malaki, lahat yan importante," saad ng Bubble Gang babe.

Kuwento pa niya, "Nagsara lahat ng business namin, renta ng kada pwesto kung paano, hindi sigurado. Mga stocks na masisisira, mga bayarin na naka abang parin. Mahigit kumulang 40 na empleyado na iniisip din namin. Hanggang kelan? Walang nakakaalam."

"Iba-iba sitwasyon natin, lahat tyo may kanya kanyang problema. Pero hindi kami maka-upo at manood lang. We have to contribute, kailangan namin tumulong at maki-isa sa aming makakaya. Sa paglabas namin, lalo namin na appreciate ang ating mga FRONTLINERS, lalo namin nalaman ang kanilang kahalagahan. Grabe po, maraming maraming salamat po," patuloy niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sa panahong lahat apektado, lahat nagsa-sakripisyo, gaano ka ka-willing tumulong kung ikaw din mismo kailangan ng tulong? Kung ikaw dn mismo hindi mo nadin sure paano yung bukas mo? Napaka-importante ng pagtutulungan, pagbabayanihan. Anong part mo bilang Pilipino sa crisis na ito? Lahat tyo pwedeng tumulong, sa paraang kaya natin. Maliit man o malaki, lahat yan importante. Nagsara lahat ng business namin, renta ng kada pwesto kung paano, hindi sigurado. Mga stocks na masisisira, mga bayarin na naka abang parin. Mahigit kumulang 40 na empleyado na iniisip din namin. Hanggang kelan? Walang nakakaalam. Iba-iba sitwasyon natin, lahat tyo may kanya kanyang problema. Pero hindi kami maka-upo at manood lang. We have to contribute, kailangan namin tumulong at maki-isa sa aming makakaya. Sa paglabas namin, lalo namin na appreciate ang ating mga FRONTLINERS, lalo namin nalaman ang kanilang kahalagahan. Grabe po, maraming maraming salamat po. Sa aming munting pang-tawid uhaw, gusto naming ipahatid sa inyo ang aming respeto at saludo sa inyong walang kapantay na serbisyo. Sama sama tyo, malalabanan natin ito ???? Watch the FULL VLOG, link in my Bio! Sarap sa Pakiramdam!?? #FrankNy #Frontliners #Milktea #Checkpoints #LabanCovid19 ????????

A post shared by Arny Ross (@iamarnyross) on

 

Sinabi pa ni Arnie na, "Sa aming munting pang-tawid uhaw, gusto naming ipahatid sa inyo ang aming respeto at saludo sa inyong walang kapantay na serbisyo. Sama sama tyo, malalabanan natin ito."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News