Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michael Pacquiao, suportado nina Manny at Jinkee sa kanyang music career


 

Pinasalamatan ni Michael Pacquiao ang kaniyang mga magulang na sina "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao sa pagbibigay ng pagsuporta sa kaniya ng mga ito sa kaniyang rap career.

Nag-trending online kamakailan si Michael matapos niyang i-release ang song collaboration nila ng kaniyang kaibigan na "Pac-Man," kung saan hinangaan siya ng netizens sa galing niya sa pagbitaw ng bars.

"Music has been a part of me ever since noong bata pa ako. And I think it grew now throughout the years," sabi ni Michael sa panayam sa kaniya ng Unang Hirit.

Natanong din si Michael kung ano ang reaksyon ng kaniyang mga magulang sa pagtahaw niya sa kaniyang music career.

"Supportive po sila. They let me do my thing. If I ask to buy 'yung mga stuff needed for music, they agree. I guess they believed in me and I'm happy din," sabi ni Michael.

"My father is a motivation and an inspiration," sabi ni Michael tungkol sa kaniyang ama na si Manny, samantalang "caregiver" at "caretaker" naman ang kaniyang inang si Jinkee.

Patungkol sa kaniyang ama na si Manny ang kanta ni Michael na "Pac-Man."

—LBG, GMA News