ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Producer fends ‘Uling-ling,’ no, it isn't a racist soap


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Racist daw ang sikat na 17th season ng Daisy Siete na “Uling-ling"? Ipinagtanggol kamakailan ni Joy Cancio, manager ng SexBomb, at producer ng Focus Entertainment, Inc. ang “Uling-ling" mula sa ganitong paratang. Sabi ng “Showbiz Central" nitong Sunday, nakatanggap daw si Ms Cancio ng criticism through email mula sa National Association for the Advancement of Colored People (NAACP) tungkol sa “Uling-ling." Ang NAACP ay isa sa pangunahing civil rights organization sa US na nagtantaggol sa karapatan ng citizens of color. Ipinaabot daw ng NAACP kay Ms Cancio ang dissatisfaction ng isang businessman mula sa Ohio na nakapanood ng “Uling-ling." Ayon daw sa businessman, “violent, unruly, ignrorant, anti-social, and racist" daw ang nasabing palabas ng SexBomb dancers. Pero ayon kay Ms Cancio walang basehan ang paratang dahil walang layunin ang palabas na pababain ang tingin sa mga people of color. “Di ba parang isang libro ang teleserye. Pag first page or second page pa lang ang nabasa mo, introduction pa lang ‘yon ng kuwento. So paano mo masasabing racist, eh hindi mo pa naman tinatapos ang kuwento?" ani Ms Cancio. Ipinahatid din umano ng NAACP sa SexBomb manager na offensive sa kanilang race ang portrayal ng “Uling-ling" cast. Pero kinontra ito ni Ms. Cancio. Sabi n’ya mas racist ang sinabi ni Terry Hatcher sa “Desparate Housewives." “Kung sa racist man, mas racist ang ginawa nila sa Desperate Housewives, na ang dialog sa script na kung Filipino doctor, gagaling ba yung bida," ani Ms. Cancio. “Iba naman yung kultura nila sa kultura natin. Tayo, tinataas pa nga natin itong kinakawawa. Na di porke’t may kulang tayo, nasa isang tabi na lang tayo. Kasi ang tao, ipinanganak tayong pantay-pantay," dagdag pa niya. Ms Cancio said that she already forwarded NAACP’s letter to GMA Network writer Suzette Doctolero. “And I heard from Suzette na sinulatan na niya, at meron ng sagot from the association. Pero di ko pa nakikita ang sagot." - GMANews.TV