ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Robin Padilla is proud of daughters Kylie, Queenie


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

After his explosive adventures in Asian Treasures, first-rate action star Robin Padilla is now back in GMA-7 via Carlo J. Caparas's Joaquin Bordado, an action-adventure series. Matagal hinintay ni Binoe ang magkaroon ng proyekto na mula sa obra ni Direk Carlo kaya dream come true ito para sa kanya. Malaking karangalan din daw sa action star na ipinagkaloob sa kanya ang seryeng ito. "Nagpapasalamat ako sa GMA dahil lahat ng hiniling namin ay ibinigay nila. Ang laki ng gastos ng project na ito at full support sila sa amin. Ang tagal na naming nangangarap ni Direk Carlo na makagawa ng ganito...Ngayon, eksaktong-eksakto ito kasunod ng Asian Treasures sa akin," bungad ni Robin na punumpuno ng tattoo ang katawan nang makausap namin sa press launch ng Joaquin Bordado sa Studio 3 ng Kapuso network. ROBIN'S DAUGHTERS. Obvious na todo ang suporta ng nasabing istasyon sa pinakabagong project nila dahil sa press presentation pa lamang ay bonggang-bongga na. Bago ipakilala ang buong cast ng serye ay isang superb production number mula sa anak ni Robin na si Kylie Padilla. Nagpakitang-gilas si Kylie sa pagsayaw, martial arts, at paglipad sa ere nang naka-harness. In fairness, impressive ang performance ng dalaga ni Robin na first time na napanood ng press. Of course, picture of a proud daddy si Robin sa ipinakitang husay ng kanyang anak. Sabi nga, "like father, like daughter" dahil ang galing sa stunts ng bagets. Tanong tuloy namin kay Robin kung ibig bang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pag-aartista ng anak niya. Gaano ba siya ka-supportive sa pagpasok sa showbiz ni Kylie? "Nasa kanya yun, e, kasi hindi naman ako ang may gusto niyan. Lahat ng mga anak ko na gustong mag-artista, gusto nila 'yon, ako, sumusuporta lang. May blessings ko sila. Hindi ko sila pipigilan for as long as nag-e-enjoy sila sa kanilang ginagawa. Right now, hindi ko pa muna pinapakausap sa press si Kylie kasi gusto ko pang matuto siyang mag-Tagalog para mai-express nya ng mabuti ang kanyang sarili," paliwanag ni Robin. Proud si Robin sa husay ni Kylie—who's only 15 years old and studying at Angelicum—pagdating sa martial arts kaya nang makita niya ang production number na inihanda ng kanyang anak sa presscon ay tuwang-tuwa siya. Sa naturang presscon ay well-applauded ang number ni Kylie. Pero hindi ba natatakot si Robin kapag gumagawa ng stunts ang kanyang anak? "Wala pa 'yon, sample pa lang ang ipinakita niya," pagmamalaki ni Robin. "You ain't see nothing yet. Limitado kasi dito [Studio 3 of GMA-7] kasi maraming ilaw. Sa trainings, ginagawa nila 'yan, wala pang humahawak sa kanila. Mahusay talaga si Kylie. Expert si Kylie sa arnis, knife, sword, wushu, muay thai, boxing, kaya natutuwa ako at nalilinya siya sa ganito. At least, madedepensahan niya ang sarili niya. Hindi ako natatakot kasi parang na-brainwash ko na anak ko na huwag sasabihin na ninenerbiyos sila sa mga stunts. "Napakagaling at kahit paano hindi nasayang yung trainings niya. Nakakatuwa dahil mga bata pa lang sila, nagti-training na sila. Natutuwa ako dahil nakikita kong nagagamit nila. Halos lahat ng martial arts, lahat 'yon alam nila." Bukod kay Kylie ay nasa showbiz na rin ang isa pang anak ni Robin, si Queenie. "Magkaibang linya sina Kylie at Queenie," ang kuwento ng action star. Sa pagpapatuloy niya, "Nakuha ni Kylie ang pag-a-action ko. Nagustuhan niya ito, e. Actually, nauna yung isa kong anak na si Queenie pumasok sa pag-aartista, kaya lang nalinya siya sa mga revolutionary films and revolutionary music. Ngayon pa lang siya ulit nate-turn on sa mainstream. Aktibista kasi 'yon, e. Gumawa nga kami ng pelikula tungkol sa problema ng Pilipinas, yung mga ganun ang gusto niya." Bida pa ni Robin tungkol sa anak na si Kylie, patikim pa lang daw ang ipinakitang husay nito. Alam daw niyang marami pang magagawa ang anak, na incidentally ay pinakabagong bini-build up ng GMA -7 upang maging Action Princess. STAGE FATHER? Since mag-aartista na ang kanyang dalaga, naitanong namin kay Robin kung magiging stage father ba siya dito? "Hindi," maagap niyang sagot. "Magiging stage father siguro ako 'pag may nanliligaw lang. Pero ipinapaalala ko lang kung sino man 'yan , champion 'yang mga anak ko. Pero hindi pa sila puwedeng mag-entertain ng suitors, studies at yung matupad muna ang dreams nila ang gusto ko. Nag-e-enjoy si Kylie sa iba't ibang activities like martial arts. And next month, paalis nga kami papuntang Japan para mag-aral siya ng Aikido naman," sabi ni Robin. Payag ba siya if ever magkaroon ng ka-loveteam ang kanyang anak? "Maraming magagawa yung anak ko at sayang naman yung ginastos ko sa kanyang mga trainings kung magla-loveteam lang siya," ani Robin. Baka naman maging tomboy ang kanyang anak? "Hindi, babaeng-babae ang anak ko," pakli niya. JOAQUIN BORDADO. Meanwhile, regarding sa latest seryeng Joaquin Bordado, naitanong namin kung paano niya maiku-compare ang action dito sa action ng Asian Treasures dati? "Malayo, magkaiba sila, kasi yung Asian Treasures, martial arts 'yon, e. 'Eto, ibang klase po ito, Western way of fighting ito, Medievial period, hindi siya martial arts," sagot niya. Incidentally, sa nakita naming trailer ng Joaquin Bordado, kapuna-puna ang maiinit na eksena nila ng kanyang leading lady na si Iza Calzado. Mukhang nag-enjoy siya sa kissing scenes dito at tinamaan at nai-in love sa ka-partner. Paano niya ide-describe ang leading lady? "'Yun ang pinakamasarap!" bulalas ni Robin. "Isang take lang naman 'yon at hindi naman ako nag-take advantage kasi kaibigan ko ang daddy ni Iza. Napakaganda ni Iza, ibang klase ang beauty niya, classic at timeless. Hindi ka magsasawang titigan at napakalambing, at mabait na tao pa." Kumusta naman ang kissing scenes nila? "Masarap! Nakita n'yo naman siguro ang itsura ko, napapapikit pa ko. Hindi, kasi si Direk Mac [Alejandre], 'pag nag-motivate 'yon, punung-puno ng emosyon. Matamis ang lasa ng labi ni Iza," nangingiting sabi ni Robin. Paano maiko-compare ni Robin si Iza sa ibang mga naging leading ladies niya? "Ay, hindi ako nagkukumpara," sabi ng action superstar. "Magkakaiba sila siyempre. Bawat nakakatambal ko, pinahahalagahan ko." Ano bang meron ang Joaquin Bordado at napa-oo siya agad itong gawin ito? "Nawalan ako ng lakas para tumanggi nang sabihing si Iza ang magiging leading lady ko dito, isa 'yon sa pinambenta ng EP [executive producer] plus Carlo Caparas pa," pahayag niya. Anong meron si Iza at gustung-gusto niya ang dalaga? "Nagkasama na kasi kami dati sa Blackout, e, pareho kaming baliw dun kaya nung nagkita kami ulit talaga napa-'wow' ako. Noon pa man, hanga na ako sa kanya, yung kagandahan niya kasi timeless ang tawag, walang pinipiling panahon 'yan. At napakagaling pa niyang artista. "Bilang leading lady, isipin n'yo naman, international star na 'yang si Iza. Pero napaka-down-to-earth, napaka-humble at darating 'yan sa set na may dalang pagkain at siya pa ang lalapit sa 'yo. My goodness, ibang klase talaga, pero sayang talaga hindi kami talo, e, kasi kaibigan ko ang tatay niya—si Lito Calzado," papuri at pagbibiro pa ni Binoe tungkol sa kanyang leading lady na si Iza. Posibleng ngayong magkatambal sila ni Iza ay siguradong mali-link sila at tiyak na may mga maglalabasang balita na nililigawan niya ang dalaga? "Walang problema sa akin 'yonm, e, lahat naman ng nakakasama ko laging sinasabing nililigawan ko eh. But this time, kay Iza, hindi kami talo kasi nga kaibigan ko ang tatay niya." Naikuwento rin ni Binoe na ilang beses na siyang naaksidente sa taping ng Joaquin Bordado, pero pasalamat daw siya at lagi siyang naliligtas sa kapahamakan. "Delikado talaga ang mga stunts namin dito pero sa kagustuhan ko kasing mapaganda ang serye namin ay hindi ako pumapayag magpa-double. Masuwerte pa rin ako dahil hindi ako napupuruhan, dobleng ingat lang talaga ang kailangan." Sa isyung makakatapat naman ng Joaquin Bordado ang bagong action series ng ABS-CBN na Palos na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Cesar Montano hiningan namin ng reaksiyon si Robin sa magiging labanan ng dalawang series sa ratings. "Naku, hindi ako naniniwala sa mga tapat tapat na 'yan eh. Ako, ang dasal at pagsamo ko, lahat ng shows ay maging matagumpay para lahat ng artista ay bumangon at pati 'yung mga walang trabaho, magkaroon ng trabaho. Sana nga, matapos na 'yang away-away ng network war na 'yan eh. "Saka, magkumpare kasi kami ni Buboy [Cesar], kaya ayaw naming ma-involved dyan. Matanda na kami pareho kaya 'wag na kami isali sa bangayan na 'yan ng network war. Pero kahit sino pa ang katapat namin, lalo na yung Kung Fu Kids, mga bata pa 'yon, kaya sana 'wag na gawan ng intriga. Magtrabaho na lang tayo ng maayos," pagtatapos ng super-guwapo at machong si Robin sa aming panayam. - Philippine Entertainment Portal