ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Anjo confirms marital separation


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma sa Star Talk sa GMA 7 nitong Sabado ni Anjo Yllana ang paghihiwalay nila ng kanyang asawa na si Jackie Manzano pagkaraan ng 13-taong pagsasama. Maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay at kasama sa kanilang pinag-usapan ang pagpa-file ng divorce at pangangalaga sa kanilang mga anak. “Hindi kaagad kami sumuko ni Jackie. Sa mga hindi nakakaalam we have broke up two years ago. For almost a year parang naghiwalay kami kasi maraming hindi pagkakaintindihan," ayon kay Anjo. “So we opted to separate then parang trial. After less than a year nagbalikan kami, we tried…. 2005 tapos the following year she got pregnant problem nalusutan naman namin," patungkol ni Anjo sa maselang pagbubuntis ni Jackie na kinailangan sa US pa siya manganak. Nagkasama sina Anjo at Jackie sa pelikulang Milyonaryong Mini noong 1996 at nagpakasal sa Las Vegas that same year. Sa Las Vegas din daw magpa-file ng divorce sina Anjo at Jackie, ayon sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Nilinaw ni Anjo na walang third party na involve sa kanilang hiwalayan, marami lang daw hindi pagkakaintindihan na hindi na nila kayang lutasin. At dahil hindi na ito ang first time na maghiwalay sila, naging madali na sa mag-asawa na plantsahin ang mga bagay-bagay tulad ng pag-aalaga sa mga bata. “Sa kids naman I’ll handle the kids sa weekends at sa weekdays sa kanya ang mga bata kapag may pasok, sharing kami sa bata," kuwento ni Anjo. Aminado si Anjo na hindi niya alam kung papaano niya ipaliliwanag sa kanyang mga anak ang desisyon nila Jackie pero umaasa siyang mauunawaan ng mga bata ang kanilang pasya. Pero may pag-asa pa kayang magkabalikan sila ni Jackie? “I don’t know kung may chance pa in the future nobody knows. Pero as of now separated kami," tugon ng aktor. Ano naman ang kanyang mensahe sa ina ng kanyang apat na anak na si Jackie? “What is important hindi kami magkaaway. Sabi ko nga you may not be my wife, and I’m not your husband pero kung may problema… kung you need somebody to talk too I’m always be here. Yun lang, always take care," pahayag ni Anjo kay Jackie. - GMANews.TV