Jewel Mische unaffected by Richard-KC Concepcion link
Napabalita nang husto na binigyan ni Richard Gutierrez ng bulaklak si KC Concepcion noong nakaraang Valentine's Day. And we found out, maging si Jewel Mische na kapareha ng binata sa GMA-7's Kamandag ay nakatanggap din ng flowers mula sa guwapong young actor nitong nakaraang Araw ng mga Puso. Pero nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jewel kung anong klaseng bulaklak ang ibinigay sa kanya ni Richard, tumanggi itong i-identify 'yon. "Hindi ko na po sasabihin," tanggi ng dalaga. Hindi na rin namin napilit itong magsalita pa tungkol dito. Bago umugong nang husto ang pagli-link kina Richard at KC, si Jewel ang napapabalitang apple of the eye ni Richard. Hindi ba naapektuhan ng KC-Richard romantic angle ang samahan nila ni Richard? "Siguro po, kasi po sa mga balita, ganun. Pero sa aming dalawa, wala akong ganun na napansin. Kung ano kami before, like we're friends, we're close, so ganun pa rin naman po," simpleng sagot ni Jewel. At hindi rin daw naaapektuhan negatively si Jewel kapag may mga kung anu-anong rumors na naglalabasan. Tulad ng sinasabing naisantabi na raw siya dahil nga sumentrong bigla ang usapan kina Richard at KC. "Hindi po talaga, kasi nasasanay na rin naman po ako sa showbiz na ang daming mga very unpredictable. Like hindi mo alam kung ano yung mga susunod na mangyayari." So kahit konti ay wala siyang inis kay KC? "Wala po," sagot ni Jewel. Kinumusta namin kay Jewel ang nalalapit na pagwawakas ng Kamandag nila ni Richard. "Naku, dapat pong abangan. Matatapos na kasi, marami pa ring twists, and to be honest, kami hindi pa po namin talaga alam kung ano pa ang mga mangyayari. "Basta tuluy-tuloy po yung taping namin. Pero kami, hindi pa namin natatapos yung ending ng script, kaya hindi po namin alam kung ano ang mangyayari sa bandang huli." Ano ang mami-miss ni Jewel kay Richard? "Siyempre, mami-miss ko po siyang katrabaho." How about on a more personal level? "Kung tungkol po run, dapat wala akong ma-miss. Kasi kung personal naman yun, like if we communicate, sana it will remain like that, kahit tapos na po yung Kamandag." Close ba si Jewel kay Tita Annabelle Rama na mommy at manager at the same time ni Richard? "Nagkikita po kami in some functions. She's nice, she's a very good woman," sabi ni Jewel. Dati raw, puro about Jewel ang magagandang comments ni Tita Annebelle. Pero suddenly, parang boto na ang mommy ni Richard kay KC. "Ha-ha-ha! Babalik na naman tayo run? Wala po akong masasabi tungkol dun, pero masaya ako na she's [Annabelle] really nice to me. Yun po yung dapat kong isipin, hindi yung kung ano siya sa iba." - Philippine Entertainment Portal