ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado: I miss my StarStruck batchmates


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Masyado raw na-miss ni Jennylyn Mercado ang kanyang mga kaibigan at kasama sa StarStruck Batch 1 kaya napaiyak siya nang sorpresahin siyang batiin sa kanyang kaarawan sa showbiz oriented talk show na Startalk sa GMA 7 nitong Sabado. May kanya-kanyang bitbit na regalo para sa baby ni Jennylyn sina Yasmine Kurdi, Rainer Castillo, Dion Ignacio, Alvin Aragon at Mark Herras. Ayon kay Jennylyn, ang mga kasamahan nya sa StarStruck Batch 1 ang ilan sa kanyang itinuturing na close friends sa showbiz. Nagbigay naman ng taped message ang bida ng bagong telenobela ng GMA na “Magdusa Ka" na si Katrina Halili. Hindi naman nakaiwas si Mark nang tuksuhin ng TV host na si Lolit Solis na maaaring sila pa rin sana ngayon ni Jen kung nagpakabait lang sana ang binata. Ipinagdadala ni Jennylyn sa sinapupunan ang anak nila ng actor na si Patrick Garcia. Child’s play pen ang regalo ni Mark kay Jennylyn na ipinagpilitan ng binata na “mini crib." Nang tanungin kung ano ang wish ni Jen? Sagot ng aktres, “good health para sa baby at peace of mind." Ano naman kaya ang wish ni Mark sa kanyang ex-girlfriend? “Sana maging healthy ang baby nya tapos alagaan ang sarili nya…kung ano man ang problema o stress ‘wag muna niyang isipin lalo na buntis siya." Nang muling tanungin ni Joey de Leon na host din ng Startalk kung bakit umiyak si Jen nang makita ang mga ka-batchmate sa StarStruck, muling napaluha ang aktres at sinabing “sobrang na-miss ko sila." Pero napuno ng hiyawan ang studio nang sumingit ng tanong si Mark kung na-miss din ba siya ni Jen. Masaya at natatawang sinagot naman ito ng aktres na “Mark buntis ako!"- Fidel Jimenez, GMANews.TV