ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Bong Revilla hopes he doesn't cry at daughter's wedding
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines - All set na ang pag-iisang dibdib nina Inah Revilla at Vince del Rosario sa Manila Cathedral sa Miyerkules. Habang si Senador Ramon âBong" Revilla ay nagpahayag na magkahalong emosyon ang nararamdaman sa paglagay sa tahimik ng kanyang âbaby" na si Inah. Simple but elegant kung ilarawan ng nina Inah at Vince ang gaganaping kasalanan na dadaluhan ng mga kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, negosyo at showbiz. âParang heto na ba? Kaya nyo bang lampasan? Ayunâ¦we pray naman and then," pahayag ni Inah. âWe talk things out and then OK naman ," dagdag ni Vince. Kabilang sa mga tatayong ninong at ninang sa kasal ay sina Senate President Manny Villar, Sens Pia Cayetano at Mar Roxas, dating Congresswoman Imee Marcos, Presidential daughter Luli Arroyo, Local Government Sec. Rolando Puno, Camarines Sur Gov. Luis Villafuerte, Mega Star Sharon Cuneta, dating Ambassador Eduardo Cojuangco at GMA Network President and CEO Atty Felipe Gozon. Ang kilalang designer na si Freddie Cabral ang gumawa ng wedding gown at polo barong na isusuot ng bride and groom. Sa GMA 7 eksklusibong mapapanood ang pag-iisang dibdib nina Inah at Vince. Katuwang ang may-bahay ni Sen Revilla na si Lani Mercado sa pag-asikado ng kasalan ng kanilang panganay na babae. âTinutulungan ko si Inah sa pag-aasikaso kasi sheâs on family way, medyo hirap sya," ayon kay Lani. Ano kaya ang mga last minute tips si Lani sa araw ng kasal ni Inah? âEnjoy the weeding, smile, âwag i-feel ang stress, everything will be under control." Ano naman kaya ang nararamdaman ng father of the bride na si Sen Revilla? âMasaya na malungkot syempre ikakasal na ang baby ko. Excited na rin ako for my daughter," ayon sa senador. âKung saan siya masaya, masaya rin ako." Tumulo kaya ang luha ni Sen Revilla kapag inihatid nya na sa altar ang kanyang baby Inah? âI hope not. Pumupusta nga akoâ¦sabi âwag sana, hindi," Revilla said. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular