ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Sheryl Cruz trying to move on after filing for divorce


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa pagbabalik ng bansa noon ni Sheryl Cruz pagkatapos ng mahabang panahon na pamamalagi sa Amerika kasama ang asawang si Norman Bustos at ang anak nilang babae, kasabay nito ang balitang shaky na ang relasyon ng aktres at ng kanyang mister. Sa past interviews ni Sheryl ay panay ang tanggi niya noon na may problema sa pagsasama nila ni Norman. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin mamatay-matay ang issue. Hanggang kinumpirma mismo ni Norman sa kolumnistang si Ricky Lo na hiwalay na talaga ni Sheryl. Hindi na nagulat ang karamihan nang pumutok ang balitang ito dahil kumpirmasyon lamang ito ng matagal na nilang haka-haka. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sheryl ay kimumusta namin ang relasyon nila ni Norman. "Right now, I'm trying every day to move on," umpisa niya. "It's not easy kaya ‘pag may mga lumalabas na rumors, ang nasasabi ko na lang, ‘Come on, please.' Probably para sa iba, typical move ito but it's not very easy for couples who just broke up or in the stage of divorce or separation na ganun kadali. "Para sa akin, aasikasuhin ko na lang muna is myself so that I could love the people that really matter to me the most. I know I couldn't go wrong and I want to thank everybody who has been supporting me, especially my family and yung ibang mga katrabaho ko." Nang tanungin ang ilang detalye kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang mahigit sampung taon nilang relasyon ni Normanl sinabi ni Sheryl na mas mabuting huwag na muna siyang magsalita, lalo pa't nasa korte na ang kaso nila. "I can't rally share it right now with the public kung anuman ang mga proseso na nangyayari, kasi we're still in the process of that, and hindi pa kami puwedeng magsalita because of some matters. Ako naman, I will speak as soon as I'm given the go signal by the lawyer," pahayag ng aktres. Sa kabila ng paghihiwalay nila ni Norman, nilinaw ni Sheryl na laging bukas ang komunikasyon nila para na rin sa nag-iisang anak nilang si Ashley. "We talk for our daughter, it's important that we communicate," sabi niya. "Whenever we talk, it's purely about raising our child. You wouldn't want to see your family separated of course. But then, hanggang doon na lang siguro talaga kami. "I tried my best as a wife. I know he did his best as a dad and as a husband. Siguro ganito lang siguro ngayon, even though we're not together, at least we're working the best way we can for our daughter to become the best parents we can." May balita rin na nakikita nang lumalabas si Sheryl dating other men. Itinanggi niya ang balitang ito. "I don't think I'm ready to date anyone at this time," diin niya. "I've been married for twelve years and hindi ganun kadaling mabubura ang alaala ng isang taong minahal mo at nakasama mo ng labindalawang taon. People, I guess, nakita ka lang na may kasama kang kaibigan, para sa kanila date na yun. Ako, I just stay home if I'm not at work. Kasi nga, masyado pang maselan ngayon yung stages na kinalalagyan ko. "Saka Pilipina ako by heart. Dito ako lumaki, iba ang ating kultura, iba yung kinalakihan natin. Kailangan kong irespeto ang sarili ko para maipakita ko sa anak ko at sa pamilya ko na mahal ko sila." Sheryl is busy finishing her upcoming album under Warner Music. Mapapanood din siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at nasa cast siya ng Varga, kung saan gaganap siya bilang kontrabida ni Mariel Rodriguez. - Philippine Entertainment Portal