ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Yasmien Kurdi says she is not yet quitting showbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Yasmien Kurdi nang mag-guest siya sa third anniversary ng radio program na Wow! Ang Showbiz! sa SM North noong August 17. Hindi raw niya maintindihan kung bakit sobrang big deal sa iba ang mga naglabasan niyang sexy photos sa tabloid. Katuwiran niya, kuha lang daw yun sa cell phone niya at saka talagang wala lang daw silang magawa ng dalawang staff ng GMA-7 sa taping nila. Sabi namin kay Yasmien, baka naman naseksihan lang talaga sa kanya ang nag-grab ng picture niya sa kanyang Facebook account at gustong mai-feature ito sa iba pang mga babasahin. "Ngek! Alam n'yo ba, kapag nakita n'yo ako sa beach, sobrang gulo ko sa beach! Para akong bata. Kapag nasa swimming pool ako, talagang tatalon ako diyan. Tumbling pa kasi tubig, e! At saka, talagang ganoon ang suot ko, naka-two-piece akong talaga. "Kaya nagulat lang ako na sa iba pala, sobrang big deal nun! Kaya sabi ko nga sa Showbiz Central nang ma-interview nila ako, sabi ko talaga, 'Alangan namang mag-pantalon ako sa beach, di ba?'' Ewan ko, nakakatawa!" napapailing niyang sabi. Sure raw si Yasmien na isa sa mga friends niya sa Facebook ang nagpalabas ng sexy photos niya, although ayaw raw niyang magbintang. Pero natatawa itong sinabi na, "Mamaya nga, papalitan ko agad yung status ko sa Facebook ko. Ilalagay ko talaga, 'Sino kaya sa mga friends ko ang nagpakalat ng pictures ko?'" PRIORITIZING STUDIES. Binigyang-linaw rin ni Yasmien na tila na-misinterpret siya sa presscon ng Loving You, kung saan tila ang naging impression sa mga sinabi niya regarding her prioritizing her studies ay ang kawalan na niya bigla ng interes sa pag-aartista niya. Na puwedeng sabihin na after siyang mabigyan ng magagandang break, ‘ayan at tila balewala lang pala sa kanya. Katuwiran ni Yasmien, "Nag-aaral naman talaga ako, e. Nagkataon lang na may mga kailangan akong tapusin na importanteng subjects na ang schedule niya, M-W-F talaga at dapat sundin dahil wala akong magagawa kung hindi ko matatapos" "Hindi naman ako aalis, e. Nag-e-SOP pa rin naman ako. Nagge-guesting ako sa SiS, para naman akong regular na nga run." Pero siyempre, mas nakilala na siya sa mga drama series. Reason kung bakit isa na nga siya sa nata-tag na drama princess ng Kapuso network, and yet, tinatanggihan na raw niya ang offers sa kanya. Ano ang masasabi niya rito? "Ngayon kasi, well, dapat nga yung Gagambino, e, nagkataong M-W-F din sila. Pero nakausap ko na po yung mga boss ko at super-bait po nila. I mean, super-bait ni Ma'am Wilma Galvante. Sabi nga niya, ‘Okay, hanap tayo ng T-Th-S para lang magawa.' I mean, I wrote a letter na nga na kailangan talaga," lahad ni Yasmien. Ipinaalam ng PEP kay Yasmien ang hinaing ng ilang fans niya na nalungkot sa naging desisyon niya. "Hindi naman kasi sa hindi na interesado, pero yung mga fans ko, yung sa fans club ko, naiintindihan nila. Noong sinabi ko sa kanila, sila yung nagsasabi na okey ‘yan, okey ‘yan, yung sa studies ko nga. At saka, hindi naman ako yung walang-wala talaga or aalis na magku-quit na sa showbiz. "Unang-una, ang bata ko pa. Ginagawa ko lang din talaga ang lahat ng ito for my dad at ngayon talaga, may kailangan lang talaga akong tapusin. Pero mapapanood pa rin naman nila ako. Hindi naman ako tuluyang mawawala," paniniguro ng young actress. - Philippine Entertainment Portal

Tags: yasmienkurdi