ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: GMA exec: No feud with Annabelle Rama


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinapos na ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA Network ang pananahimik sa isyu niya at ng Kapuso network kaugnay ng mga paratang ni Annabelle Rama. Sa isang pakikipag-usap sa press kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, August 28, sinagot at nilinaw nito ang mga nasabing isyu na na-headline sa mga babasahin. May kinalaman ang mainit na isyu sa diumano'y sinadyang pagtapat ng GMA-7 sa Let's Celebrate! The Dingdong-Marian Birthday Blowout! nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa opening ng pelikulang For The First Time na pinagbibidahan nina KC Concepcion at Richard Gutierrez noong August 27. Si Richard ay anak at alaga ni Annabelle at isang Kapuso star. Pinayagan siya ng GMA-7 na gumawa ng pelikula sa Star Cinema ng ABS-CBN kapalit ng paggawa ng pelikula ni KC sa GMA Films next year. NO QUARREL WITH ANNABELLE. Sinimulan ang tsikahan with the press sa tanong kay Ms. Wilma kung ano ang mangyayari sa future relationship nila with Annabelle, she being a talent manager at supplier ng talents sa mga show ng Kapuso network. "Personally, we do not have a quarrel with Annabelle," sagot ng lady executive. "Wala rin akong quarrel with her and we have not violated any contract with her. We're always careful in implementing the contract. Wala talagang away. "Ang pinagmulan as far as the issue is concerned ay ang date ng birthday special nina Dingdong at Marian. Hindi namin hawak ang booking ng Araneta Coliseum and I was told, fully booked na sila sa original date na gusto namin, which is August 29 and 30. Two days talaga dahil ang isang araw is for the set-up. You can check with the booking of Araneta at wala talagang libreng date kundi August 27," paliwanag ni Ms. Wilma. Why hold a birthday special for Marian and Dingdong? "If you have two major stars who will celebrate their birthdays on the same month, if producer ka and this is business, this mattered for a special. Puwede mong i-hype, puwedeng i-celebrate at dahil special, culminating event yun, sa huli ginagawa," pahayag niya. Ipinaliwanag din ni Ms. Wilma na ang busy schedule nina Marian at Dingdong ang pumigil para magawa ng mas maaga ang kanilang birthday special. Kundi may shows abroad, may pictorial o di kaya'y may shoot ng TVC for their endorsements ang dalawa. "Wala kaming masamang intention, walang malisya in our mind. Yun lang talaga ang free time at aprubado yun ng programming committee—a body and most important group na gumagawa ng important decision sa network." DOUBLE VICTORY. Nakarating na kay Ms. Wilma ang box-office result ng movie nina Richard at KC nag-extend siya ng congratulations sa dalawa at sa Star Cinema. Masaya rin nitong ibinalitang successful ang birthday special nina Marian at Dingdong. "Nakita mo na ‘pag good ang project, ipa-patronize o ang show o movie. One night lang ang birthday special and it was for the fans, for their friends. We have a very good special to air on Sunday [August 31]. Masaya ako sa sinasabi nilang 8,000 ang pumasok sa Araneta, yun lang talaga yun. Very strict ang Araneta sa policy nilang no ticket, no entry," lahad niya. Naikuwento na tuloy ni Ms. Wilma na hindi nakapasok ang two busload of fans from Laguna dahil walang tiket. Nagbakasakali lang ang grupo, pero kahit may uupuan pa sila sa Big Dome, wala silang tiket dahil ubos na ang na-issue na tiket, kaya hindi sila nakapasok. Nasagot din ang tanong ng PEP at ibang press kung bakit sobra ang higpit ng security sa gabi ng birthday special. Noong rehearsal pala, may nahuli ang production na lalaking may baril na nasa loob ng Araneta. Sabi ni Ms. Wilma, naiwan ng lalake ang baril sa CR at nakita ng isang staff ni Direk Louie Ignacio nang mag-CR ito. Binalikan ng lalake ang baril sa CR, kung saan nandun pa ang staff. Naka-fatigue ang naturang lalake at kahit hindi tinanong, nagpakilala siyang security at saka nagmamadaling lumabas. Sinundan ito ng security, pero hindi na nakita. Nasa Big Dome kami that rehearsal night (August 26). "CONFLICT IS NOT OUR NATURE." Patuloy ni Ms. Wilma, "Kung may na-misinform man o bugso ng damdamin, hindi namin yun gusto. You can't control the reaction of each people, but we can control our reaction and our reaction is to keep quiet. We are not...it is not in our nature para mang-away. We do not do that. Conflict is not our nature. Hindi namin sasadyain ang ganun para masira ang iba, most especially mga artistang inaalagaan natin. Also, I don't want to indulge in fabrication, that is not the right way to approach things." Hindi pa raw nagkikita at nagkakausap sina Ms. Wilma at Annabelle. Huli silang nagkita sa birthday ng common friend nila. Nagbeso-beso raw sila at sinabi sa kanya ni Annabelle na galit ito sa kanya at nag-explain si Ms. Wilma na walang ibang schedule at nag-okay ang ina Richard. Pero the following day, galit na naman daw si Annabelle. Ms. Wilma was asked if personally, disappointed siya kay Annabelle. "Kung kilala mo ang isang tao, pati reaction niya, mapag-aaralan mo na. Will you worry? Will you be scared? You know how will you react and I'm okay. Ang energy niya, malakas at ayaw kong sabayan, it's not going to be productive at walang pupuntahan," sagot ng lady executive. Inalam din ng entertainment press kay Ms. Wilma ang reaction niya o ng network sa ipinahayag ni Sharon Cuneta sa Sharon nang mag-guest doon si Annabelle kasama sina Richard at KC. "Tingin ko, nadala rin lang siya ng damdamin. Sana maunawaan niya na there was no malice intended...wala talaga! As I said, I cannot control how other people will react," saad niya. Naintindihan din ni Ms. Wilma kung bakit siya ang inaway ni Annabelle. Siya nga naman kasiang head ng Entertainment group ng Kapuso network. "I am responsible and I will stand by it. I will be the one to explain and I'm responsible for that," mariin niyang sabi. RICHARD'S FUTURE IN GMA-7. Kinumpirma ni Ms. Wilma na hanggang 2010 pa ang kontrata ni Richard sa GMA-7, pero nakiusap na hindi siya puwedeng magsalita tungkol dito dahil sa confidentiality clause." Sa interview sa kanya ng isang broadsheet, nabanggit niyang "prepared for eventuality" ang network kung totoong ipu-pullout ni Annabelle si Richard sa kanila. "Oo, ia-address mo yun. ‘Pag may ginawa, you have to be prepared what to do next. Pero hindi ibig sabihin na prepared kaming mawala si Richard, hindi yun ang ibig kong sabihin and that's why we have contract. "Kung iniisip ninyong naligalig kami, wala. Kung wala kang masamang intention, hindi ka maliligalig. Inuulit ko ang pagsasabing sa mga nangyari, walang malisya yun. Kung may sumama ang loob, humihingi ako ng paumanhin doon. Hindi mo rin gustong may negative reaction. Kung hindi ka man naintindihan or they were misinformed and for their being negatively affected, sorry," lahad ni Ms. Wilma. Ibig bang sabihin nito ay nagso-sorry siya kay Annabelle? "Hindi ako nagso-sorry sa kanya," paglilinaw ni Ms. Wilma. "I am sorry not because I'm at fault. I feel sorry how they reacted to it, nagkaroon ng bugso ng damdamin. Pero there's no malice intended" Si Ms. Wilma na rin ang nag-open sa general impression na takot ang network kay Annabelle na itinanggi nito. "Hindi takot ang network kay Annabelle Rama, we have a professional relationship that we try to implement as best as we could," saad niya. Takot ba silang mawala si Richard sa GMA-7? "Hindi ko ‘yan sasagutin. Mahal ng network si Richard, we have no problem with him." Sa sinasabing rivalry nina Richard at Dingdong, sabi ni Ms. Wilma, okey ang professional rivalry, pero hindi kailangang maging magka-away ang dalawa. "We are very happy and very proud na dalawa sa piakamagaling na talents ay nandito sa GMA," pagmamalaki ni Ms. Wilma. Narito ang panghuling pahayag ni Ms. Wilma: "The general viewing public, the viewers is the boss. Hanggang magaganda ang show na ginagawa ninyo, wala silang pakialam sa away. Gusto nila ma-entertain ng good show. At the end of the day, kung pangit ang show mo, hindi ka panonoorin. Mabuti na lang, magaganda ang shows namin at magagaling ang talents ng GMA." - Philippine Entertainment Portal