PEP: Patricia Fernandez all set for Miss Int'l pageant
Gasgas nang maituturing ang katagang "World Peace" ng mga beauty pageant contestants, pero very sincere at honest naman talaga ang official representative ng Pilipinas sa 48th Miss International Pageant na si Bb. Pilipinas International Patricia Fernandez sa pagsasabing ito talaga ang advocacy niya if ever makopo niya ang korona ng taunang international beauty pageant. "I would like to be able to use my training as a communication major to promote peace the world over," sabi nga niya sa press release na ipinadala ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I think communication plays a big role in bridging the inter-cultural gap. If only we would be able to resolve this, people will be able to understand each other better." Tapos ng BA Speech Communications sa University of the Philippines si Patricia. Hindi lang sa academics siya nag-e-excell, kundi maging sa iba pang activities tulad ng swimming, singing, at pagtugtog ng piano. Nag-undergo pa ng training sa UP Singing Ambassadors for two years si Patchot (nickname ni Patricia) kung kaya't paborito niyang awitin at tugtugin ang mga piyesang kundiman na talaga namang sariling atin. Plano naman ngayon ni Patricia na pag-aralan pa ang inter-cultural communications at maging guro sa field na ito. Noong October 16 ay binigyan ng send-off party si Patchot ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City. Pagkatapos ng party ay diretso na sa paghahanda niya si Patricia para umalis at dumalo sa Miss International Pageant na gaganapin sa Venetian Hotel in Macau sa November 8. Mithiin ni Patricia na i-represent nang maigi at punung-puno ng sigla ang Pilipinas pati na ang mga Pilipino sa pagsali niya sa Miss International Pageant. "What I am most proud of about the Philippines is that our people is as warm as our climate," aniya pa nga tungkol sa mga Pilipino. Dala ang kagustuhang makagawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpo-promote ng inter-cultural understanding, all set na si Patricia sa pag-represent ng Pilipinas sa Miss Intenational Pageant, sa pagpapakita ng tunay na ganda ng Filipina, at pag-asam na maiuwi ang korona sa kumpetisyong ito. - Philippine Entertainment Portal