Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Katrina Halili: Blessings come to those who are truly good


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng One Night Only sa may Marcos Highway, Antipolo City, noong nakaraang gabi upang makapanayam si Katrina Halili. As usual, very accommodating si Kat kahit abala sa shooting ng pelikulang pinamamahalaan ni Direk Joey Reyes. Nagkuwento muna ang aktres tungkol sa pelikulang ito ng OctoArts Films. "Itong One Night Only, iba-iba kaming story dito, parang limang story ito, e. Kasi lima kaming girl, si Manilyn [Reynes], Diana [Zubiri], Valerie [Concepcion], Alessandra [de Rossi] at ako. Ako yung parang playgirl dahil marami akong boyfriend dito, e. Parang gano'n," panimula ng tsinitang sexy actress. Sa exposure, si Katrina daw ang pinakamarami. Sinasabi tuloy na siya daw ang pinakabida rito. Siya nga ba? "Actually, pantay-pantay naman po kami rito, e," pagwawastong tugon ni Kat. May nagsasabi pang iniba raw ang story nito from the original dahil may nagreklamo na lumalabas na si Kat lang ang bida. Totoo ba ito? "Ay, hindi po. Actually, pantay-pantay naman po. Hindi po nabago ang story nito, wala pong nabago sa script. Iyon lang po ang lumabas. Kasi dati, noong nag-contract signing ako sa Octo Arts, isinabay nila yung One Night Only at Miss X. Kaya parang lumabas na parang sa akin lang ang dalawang pelikulang iyon." JUST FRIENDS WITH JOROSS. Inusisa ng PEP si Kat tungkol sa kanyang lovelife. Totoo bang nilaglag niya si Joross na dati niyang constant date, in favor of her ka-MU now na si Kris Lawrence "Hindi naman po. Kami kasi ni Joross, parang nasa getting-to-know stage pa lang kami noon, saka friends lang kami. Wala lang, trip lang namin, parang, ‘Sige, mag-date nga tayo.'" Itinanggi rin ni Kat na may third party involved at nahuli niya si Joross na may kasamang iba, kaya na-turn-off siya sa aktor. "Hindi po, wala, wala. Ako po kasi, siyempre busy ako sa work, siyempre gusto ko rin ng inspirasyon dahil everyday puro work na lang, e. Kaya parang nag-try din akong lumabas-labas, ganoon. Pero siyempre, kinikilala ko naman yung tao, di ba? So, parang kaibigan lang po talaga, ganoon lang. Huwag naman po nating pilitin na ano... Ha-ha-ha-ha!" nakatawang saad pa niya. May tsismis pang na-hurt daw kasi siya kay Joross, kaya napalapit siya kay Kris? "Ay, hindi po totoo iyan. Wala talagang ganyan, wala." Masasabi ba niyang playboy talaga itong si Joross? "Ah, hindi ko po alam, e. Ano ba naman? Mabait naman po yung tao... wala po siyang ginawa sa aking masama," nakatawang pangungumbinsi pa sa PEP ni Kat. BLESSED KATRINA. Ano nga ba ang sikreto ni Katrina at ang dami niyang projects? "Ganoon talaga, I'm so blessed, ha-ha-ha-ha! Ganoon po siguro talaga kapag mabait ka, kapag totoong mabait ka. At hindi iyong nagbabait-baitan lang," nakangiting esplika niya. May tinutukoy ba siyang artista na nagbabait-baitan lang? "Ayoko naman pong maghugas ng kamay, e. Di sana makarma na lang ako kung hindi ako mabait. Mawalan ako ng trabaho for life, ha-ha-ha-ha!" Pero sino nga yung nagbabait-baitan lang? "Ay, hindi ko po alam," nakangiting pag-iwas niya. "Mabait nga ako, e. So, hindi ako mapanghusga, ha-ha-ha-ha!" NO TRAUMA WITH MARIAN. Sa Marimar noon ay super-maldita ang papel ni Kat bilang Angelica, pero sa totoong buhay ba ay lagi siyang pinapaiyak noon ni Marian Rivera, tulad ng kumalat na tsismis? "Hindi naman po, walang nagpapaiyak sa akin. Friends po kami ni Marian. Noong Marimar pa po, nag-ayos na kami bago matapos yun." Willing ba siyang makatrabaho ulit si Marian? "Oo naman po, bakit naman po hindi?" Hindi ba siya nagka-trauma rito "Hindi naman po, pero if the price is right, puwede, ha-ha-ha! Joke! Ha-ha-ha-ha!" Sinasabing ang edge daw ni Kat over Marian ay puwede itong magpaka-daring at may ipapakita talaga. "Anong ipapakita ko?! Ha-ha-ha-ha! Hoy, kuya, sexy naman po si Marian, e. "Mas daring ba ako kay Marian? Hindi ko po alam, e. Siguro dahil sweet kasi yung lahat ng ibinibigay sa kanyang role. Siguro rin, kaya sinasabi ng iba na mas daring ako sa kanya, dahil nakapag-FHM na ako at siya hindi pa, ganoon. Pero pareho rin naman iyon, naka-two piece lang din naman, nagtu-two piece din naman siguro siya," nakangiting pagtatapos na ni Kat. Magkakaroon ng show si Kat sa Metro Bar this coming November 15, titled Katrina 4 D First Time with guests Erik Santos, Joross, Ronnie Liang, Dr. Hayden Kho and Mark Herras. Sponsored ito ng New Placenta, Olive C, Psalmstre Enterprises, Inc., Hataw, Mayor Recom Echiverri, Queen Petals, JP Rizal Extension, Makati. For inquiries pls. Call 09208919263/4543458. Mabibili na rin ang tiket sa Ticketnet (tel.# 911-5555). - Philippine Entertainment Portal