Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Katrina Halili has introduced BF to parents


Bagama't pa-sexy ang role ni Katrina Halili sa pelikulang One Night Only, may halo naman itong kakikayan dahil sexy-comedy ang naturang movie. Ang One Night Only ay mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes at entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. "Marami akong sugar daddies dito. Pero kikay po, kalog kaya masaya," sabi ni Katrina sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa presscon ng One Night Only. Katrina plays the role of Jasmine, isang free-spirited at mukhang perang babae. Bukod kay Katrina, kasama rin sa cast ng One Night Only sina Jennylyn Mercado, Diana Zubiri, Valerie Concepcion, Alessandra de Rossi, Paolo Contis, Joross Gamboa, Jon Avila, Manilyn Reynes, Chokoleit, at Ricky Davao. Gaano ka-sexy si Katrina sa One Night Only? "Siyempre sexy, kasi motel nga yung setting namin. Pero hindi naman po all out. Lahat po kami, sexy dito. Pero comedy din po siya, PG-13 po kami," sabi ni Katrina. Sa ilang lalaki siya na-involve dito? Sinu-sino sila? "Tatlo po. Yung dalawa po kasi mga baguhan lang. Ang mas marami po kasi akong eksena is with Mr. Ricky Davao. Bago po kasi ako pumunta ng Macau sa story, nakipagkita muna ako kay Mr. Ricky Davao. Hindi niya raw ako bibigyan ng kotse, ganyan-ganyan, kapag hindi ako sumama sa kanya ng gabing ‘yon sa motel. So, minamadali ko siya kasi nga may flight nga ako. Tapos doon na nangyari lahat," kuwento niya. CASTING PROBLEM. Naging kontrobersiyal ang One Night Only noong sinisimulan pa lang ito dahil sa pagpu-pull out ng Star Magic sa kanilang talents na kasali sa cast. Hindi ba nag-worry si Katrina kung matutuloy pa ‘yong movie? "Hindi naman po," sagot niya. "Medyo natagalan nga lang kaming mag-shoot dahil nga nagkaproblema nga. Ako na lang kasi ang natira dun sa original cast, di ba?" So, okay ba siya sa mga pumalit na cast? "Wala po sa aking problema," aniya. "Basta po binigyan nila ako ng schedule, ng script, gagawin ko lang yung trabaho ko. I'm happy naman po kahit sino naman po ang makasama ko, e." Gaano katotoo na nagtarayan daw sila ni Alessandra de Rossi sa pictorial ng One Night Only? "Hindi ko po alam ‘yan!" nagtatakang sabi ni Katrina. "Naging isyu lang. Siguro yun po yung dalawang pictorial namin na na-late ako. Yung isa kasi, 7 p.m. na ako dumating, kasi po may commitment pa ako. Actually, late call po talaga ako noon. Sila po yata 4 p.m. dumating, so naghintay po yata sila sa akin. Nag-sorry naman po ako. Ang sabi nga niya [Alessandra] sa akin, ‘Hindi, wala namang problema. Okay lang yun.' "Yung pangalawang pictorial, na-late naman po ako dahil natapos po ako ng taping ko sa Gagambino ng 7 a.m. Seven-thirty na po ako nakauwi. Natulog po ako sandali kaya lang, paggising ko, 9:30 na, so nagmadali po ako. Nine a.m. po ang call time namin. Dumating po ako ng 10:30. Hindi naman po ako tinarayan ni Alex. After kasi ng incident na yun, dun na lumabas yung isyu, e." Mas sikat na raw ngayon si Katrina kesa sa ka-batch niya sa StarStruck na si Jennylyn Mercado, na kasama rin niya sa One Night Only. Anong comment niya rito? "Ay, hindi naman po! Idol ko nga si Jen, e. Magkumare nga po kami ni Jen. At saka gusto ko kapag nagkaanak ako, ganun din ako ka-sexy after," sabi ni Katrina. Bakit gusto na ba niyang magkaanak? "Pwede na rin, joke!" biro ni Katrina. Kanino? Kay Kris Lawrence ba na sinasabi niyang ka-MU niya ngayon? "Bakit hindi?" sabay tawa nang malakas ni Katrina at agad bumawi. "Joke lang po. Kayo naman masyado n'yong sineseryoso, e." HAPPY WITH KRIS. Speaking of Kris Lawrence, kumusta na ba sila? "Okay naman po kami. Happy naman po." Sabi niya noong una, meron na silang mutual understanding. So, ilang buwan na silang mag-MU? "Magtu-two months na po," sagot ni Katrina. Gaano katagal pa bago ma-elevate sa deeper relationship ang MU stage na ‘yan? "Ako po kasi, para sa akin, hindi naman importante yung commitment, e. Mas importante yung okay kayong magkasama, nagkakaintindihan kayo, ganun." So, hindi na ba siya nagpapaligaw sa iba? "Hindi na po." Nahalikan na ba siya ni Kris? "Siyempre po. Kayo nga po nakipag-beso-beso sa akin, e," palusot ni Katrina. Last time, sinabi ni Katrina na binigyan siya ni Kris ng scarf. May bago na ba itong ibinigay sa kanya or pasalubong man lang every time na nagpupunta ang singer sa abroad? "Mostly po chocolates lang. Kaya nga ako tumataba, e! Nagpapapayat na nga ako ngayon, e." Ano ang madalas na bonding moments nila ni Kris? "Nagtu-tour po kami sa iba't ibang restaurants. Kumakain po kami sa iba't ibang restaurants. Minsan nakakatatlong restaurants kami sa isang labas namin. Kain lang nang kain po. Ine-enjoy ko talaga. Kaya nga tumaba ako, e! Pero ngayon nagpapapayat na ulit ako," lahad ni Katrina. Ano yung gusto nilang kainin pareho? "Seafoods po... Chinese food. Halos pareho po kami ng paborito." MEETING THE PARENTS. Inamin din ni Katrina na naipakilala na niya si Kris sa mga parents niya. Isinama niya ang singer sa pag-uwi sa Palawan noong nakaraang Undas, mula October 31 to November 3. "Opo, na-meet na po niya hindi lang buong family ko, pati po buong El Nido," nakangiting sabi ni Katrina. Saan tumuloy si Kris? Nag-hotel ba siya? "Sa bahay po," sagot ni Katrina. "Parang nakakatakot naman na mag-isa lang siya tapos magho-hotel pa siya. Baka mamaya may aswang pa, joke! At saka okay lang naman po sa parents ko." Siyempre, iisipin ng mga tao kung magkasama ba sila sa kuwarto. "Hindi naman po kami magkasama sa isang room. Marami naman pong kuwarto sa bahay namin." Bakit niya dinala si Kris doon? "E, gusto niya pong sumama. Kayo po, kung gusto n'yong sumama, dadalhin ko kayo doon!" biro ulit ni Katrina. Si Kris lang ba ang lalaking nadala niya sa kanila? "Actually, meron na pong isa dati. Pero after, si Kris na." Gaano kahalaga sa kanya si Kris? "Sa ngayon po, mahalagang-mahalaga po. Inspired nga po ako, e," sabi ni Katrina. - Philippine Entertainment Portal