ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: 'Gentle Giant' Cris Bolado fouls out on Survivor Philippines: Palau
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nalagasan na naman ng isang miyembro ang Airai sa pinakahuling Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau. Naging malaking palaisipan para sa marami kung sino ang matatanggal sa nalalabing apat na miyembro ng Airai na sina Cris Bolado, Charles de Vera Fernandez, Tara Macias, at Mika Batchelor. Kay Tara ibinigay ng Koror ang Immunity bracelet nang manalo silang muli sa Immunity Challenge kaya naging safe siya sa botohan. Hindi nagustuhan ni Mika ang pagbibigay ng Immunity bracelet kay Tara at naging ugat ito ng pagtatalo nilang dalawa pagbalik sa camp. Bigla na lang nagsalita si Tara na kaya siya hindi makagawa ng mga chores sa camp ay dahil nandun si Mika. Sinabi ni Tara na kaya rin niyang gawin ang mga ginagawa ni Mika, lalo na âpag nawala ang huli. Sa huli, ang retired PBA player na si Cris âThe Gentle Giant" Bolado ang natanggal sa bisa ng dalawang botong nakuha niya mula kina Mika at Charles. Si Mika ang ibinoto ni Tara, samantalang si Charles naman ang ibinoto ni Cris. Sa pagkawala ni Cris, tatlo na lang ang natitirang miyembro ng Airai patungo sa inaasahang merge, kung saan makakasama nila ang anim na natitirang miyembro ng Kororâsina Suzuki, Echo, Marvin, Amanda, Jef, at Shaun. Bagamat napatalsik na sa laro, may pagkakataon pang makabalik si Cris kung matatalo niya sa isang face-off challenge ang unang castoff na si Justine Ferrer. Magmula nang ma-vote off si Justine sa unang Tribal Council ay nanatili pa rin siya sa Isla Purgatoryo habang hinihintay ang susunod na castaway. Limang beses nang nanaig si Justine at lahat ng mga sumunod sa kanyang na-vote off ay tinalo niya. Kaya malaking hamon para kay Justine ang paghaharap nila ni Cris sa huling face-off challenge. Ang sinumang mananalo sa kanila ay kasali sa merged tribe. Inihayag naman ng host ng Survivor Philippines: Palau na si Paolo Bediones ang gagawing merge o pagsasanib ng dalawang tribu sa susunod na linggo. - Erwin Santiago, PEP More Videos
Most Popular