Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Francine Prieto's mom succumbs to ovarian cancer


Unang nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa status sa Facebook account ni Francine Prieto: "Di nila ma-revive si Mommy!!! Bwiset na pigtail ‘yan." Nag-update si Francine ng kanyang status through mobile update. Mula kay Francine, kinumpirma nito na pumanaw na nga ang kanyang ina na si Amelia Falcon. Matatandaang may third stage ovarian cancer na ito at sumasailalim pa sa chemotherapy treatment. Kaninang bandang 5:00 p.m. pumanaw si Mommy Amy sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City. She was 54. Ang sinasabi naman ni Francine na "pigtail" ay ang catheter na ikinakabit sa lungs ng isang cancer patient na kini-chemotherapy. Ito ay ginagamit para mailabas ang mga namumuong likido mula sa pagki-chemo treatment. Binanggit noon ng aktres sa kanyang Facebook status na against sana siya sa paglalagay ng pigtail sa lungs nito, ngunit ang ina pa rin niya ang nasunod dahil, ani Francine, "katawan niya yun, e." At press time, hindi pa sigurado si Francine kung ano ang nakasaad sa memorial plans ni Mommy Amy dahil siya lang daw ang nag-aasikaso sa mga bagay-bagay. Malakas din kasi ang pananalig noon ni Francine na makaka-survive ang kanyang ina sa ovarian cancer. Tutukan ang PEP para sa mga updates sa balitang ito. - Rommel R. Llanes, PEP