
Matapos magpa-interview ni Liezl Sicangco sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 11, na nailathala dito ng Agosto 12, ay gusto na raw sana niyang manahimik. Sa interview, inilabas ng asawa ni Robin Padilla at ina ng apat nitong anak ang kagustuhan niyang maibalik sa kanyang poder ang kanilang bunso. Ito ay ang sampung taong gulang na si Ali, ang nag-iisang lalaki nila ni Robin. Katwiran ni Liezl ay tama na sa kaniyang nailabas niya ang kanyang mga hinaing. Liban dito, natuwa raw siya nang mapanood si Robin sa TV, na nagpahayag ng official statement, at nagsabing handa nitong kausapin, hindi lang si Ali kundi ang iba pa nilang mga anak, para bumalik na sa ina sa Australia, kung saan nakabase si Liezl. Subalit noong Agosto 15, dito rin sa PEP, nasundan ang statement ni Robin ng mga pahayag ng isang taong kampi sa aktor. Hindi ito nagpa-pangalan ngunit nagsalita ito tungkol sa mga "milyon" na naibigay na diumano ni Robin kay Liezl noong nagsasama pa sila at patuloy daw na ibinibigay ngayon ng aktor. Ang pakahulugan ng nagsalita ay walang pagkukulang si Robin sa babaeng nakasama nito nang 20 taon. Matapos mabasa ni Liezl ang mga pahayag na ito, muli raw siyang nakaramdam ng himutok. Sa nasabing PEP articleâkung saan inihayag din ang official statement ni Robin bilang sagot sa paghahabol ni Liezl kay Aliâay iniisa-isa ng maka-Robin na source ang mga naibigay diumano ni Robin kay Liezl. Kabilang daw dito ang isang lote sa Pampanga na nagkakahalaga ng P2 million at tatlong bahay sa Australia na may combined worth daw ng 100 milion. (Hindi nilinaw kung ito ay sa Philippine peso, U.S. o Australian dollars.) Ayon kay Liezl, napilitan siyang muling maglabas ng panig niya dahil marami raw sinabi ang naturang source na "mali" at "hindi totoo." Ang lalo pang nagbuyo raw kay Liezl para muling harapin ang panayam ng PEP ay ang tila paglalarawan sa kanya na siya'y "mukhang pera." "Ayoko na sanang sumagot...gusto ko nang manahimik. Kaya lang, kung anu-ano pa ang sinasabi ng mga tagapagsalita ni Robin. E, wala naman silang alam sa naging buhay namin... Kung anu-ano na ang 'binibintang sa akin ngayon," panimulang himutok ni Liezl sa telephone interview from Australia. "Parang lumalabas pa na money-hungry ako," patuloy niya. "Na kaya ako nagsasalita ay dahil sa naghahabol ako sa pera ni Robin! At parang ang lumalabas, ang dami-dami na niyang naibigay sa akin, ayaw ko pang tumigil... "Alam n'yo po, maski na noong nagsasama pa kami, hindi ko alam kung magkano ang kinikita niya dahil hindi ko pinakikialaman. "May nakakarating pa sa akin na kaya daw ako nagsalita kasi nalaman ko na P25 million a month daw ang kikitain ni Robin sa [Pilipinas] Win na Win. "Mananahimik ako at hindi na kikibo kung totoo mga sinasabi nila. E, hindi, e! Saka ako lang naman ang magtatanggol sa sarili ko. Wala nang iba. Sila, ang dami nila d'yan. Hindi ko sila kaya."
3 HOUSES WORTH 100 MILLION? Punto por punto, nilinaw ni Liezl ang sa pananaw niya'y mga "kasinungalingan" ng tagapagtanggol ni Robin. "Meron daw akong tatlong bahay na worth 100? Ang yaman-yaman ko pala? "Okay, para malinaw, ganito yan: Nag-buy-and-sell kasi ako dito sa Queensland [Australia]. Bibili kami ng bahay, titirhan namin for mga two years, tapos ibenenta. May tubo nang kaunti. "Year 2000, first we bought the Crestwood Heights for 250,000 Australian Dollars (AUD). I remember, may share din ako diyan. "Later, [we] sold it for 330,000 (AUD). Actually, hindi pa nabebenta 'yon, nabili na namin 'yong sa Surfer's Waters naman. So, noong nabenta 'yong Crestwood, nakuha ko lahat ng dowry money ko. "'Yong Surfer's Waters, nabili namin 'yong land for 220,000 (AUD), nag-share ako ng 100,000 (AUD) from my dowry money. Then, 'yong house, 480,000 (AUD). "Noong two years old na 'yong bahay, pina-renovate namin. Actually, 'yong renovations kasama ko si Robin na gumagawa sa bahay. Nandito siya [sa Australia] for almost one year, kung di ako nagkakamali. Robin spent 50,000 (AUD) sa renovations. So, in all, inabot ng 750,000 (AUD). Itong Surfer's Waters ang na-feature dati sa YES! [Magazine, May 2005 Issue]. "Si Robin naman, nakabili ng isa pa, 'yong Surfer's Paradise naman. Nasa name niya 'yon. Nabili niya 'yon for 578,000 (AUD). Nag-share din ako ng 178,000 (AUD), and ang kay Robin, 400,000 (AUD). "Later on, nabenta naman namin 'yong Surfer's Waters ng one million (AUD). Tapos, doon sa napagbentahan noon, bumili ako ng condo worth AUD 550,000 dito sa South Port, na sa akin nakapangalan. At isang carâRAV 4 worth AUD 42,000âkasi, s'yempre, kailangan ko nang pang-hatid-sundo sa mga bata sa school. Up to now, dito ako nakatira sa bahay na ito. "Tapos, 'yan 'yong mga panahong di nakakapagpadala si Robin. Kasi wala daw siyang masyadong work noon, so, 'yon ang pinaikot kong pang-gastos sa mga bata. "'Yong Surfer's Paradise naman, pinapa-rentahan namin 'yon dati, pero ayaw na ni Robin kasi nasisira lang ng nagre-rent. "So, ang usapan namin, ibebenta na lang. May kausap na akong agent. At ang usapan namin ni Robin, ipapadala niya sa akin ang authorization letter niya, para nga maibenta ko. Kaso nagalit yata sa akin, so up to now, di pa napapadala. "Pag naman nabenta 'yon, ang usapan namin ay hahatiin 'yong pera sa mga bata. Pero sabi ng agent, baka around 430,000 (AUD) [ang benta] because of the global recession." Ang nasabing real estate property na Surfer's Paradise ay dapat sana'y ililipat daw sa pangalan ng apat nilang anak, alinsunod na rin sa pinirmahang "pronouncement of divorce or Talaq" papers ni Robin, dated May 10, 2009. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa raw nalilipat ang ownership sa mga bata. Tuloy, napag-desisyunan daw nila noon pa na ito'y ibenta na lang.
"WALANG 100 MILLION." Diretsong tanong ni Liezl sa kampo ni Robin: "Nagsasalita sila, di naman nila alam... Paano naging tatlo ang bahay? Saka ano 'yong 100 million? Wala po akong tatlong bahay na worth 100 million! So, 'yong mga nagsasabi na ganoon, sorry, tigilan niyo na po. "Alam n'yo, sa sampung taon na nandito ako sa Australia, lahat nakatago sa akinâresibo, bank account... Kung ang 'pinapalabas nila, mukha akong pera, willing ako ipakita kung ano'ng mga ebidensya...na hindi naman ako parang nagpapasasa sa pera ni Robin dito. "Ni wala nga akong katulong dito. Ilang taon, apat-apat ang inaalagaan ko, ako lang at ang nanay ko. Wala namang problema doon."
ALI IS THE ONLY ISSUE. Matapos magbigay ni Robin ng official statement ay papunta na raw sana sa pag-aayos ang lahat. Hindi raw mawari ni Liezl kung bakit biglang lumabas ang usapin tungkol sa pera. Tila raw binibilangan siya. "Actually, okay na dapat, e. Nakarating na sa akin na inaayos na ng abogado niya na ibabalik sa akin si Ali. Happy na ako. Si Ali lang naman talaga ang habol ko, e. Tapos, bigla, may ganito na pinalalabas nila na mukha akong pera? "Ang pangit, e. Kung saan-saan na napunta, e, si Ali ang isyu namin dito."
ZHEN'S ALLOWANCE CONTINUES. Samantala, hindi ikinakaila ni Liezl na tuloy-tuloy pa rin ang sustento ni Robin sa anak nilang si Zhen, at totoo raw na 2,500 (AUD) ito. Pag-aamin pa ni Liezl, "Dati, noong nagsasama pa kami, 3,000 (AUD) a month ang pinapadala niya. May time naman, 5,000 (AUD). "Ang summary lang nito is, wala akong masasabi kay Robin kung di he is a good provider. Pero wala akong tatlong bahay dito na worth 100M."
2M PROPERTY NOT A GIFT. Gusto rin daw linawin ni Liezl ang tungkol sa regalo o "binigay" ni Robin na lote sa kanya sa Pampanga na nagkakahalagang P2M. "Ganito naman ang story niyan: "Nabanggit ko kay Robin na may gusto akong bilin na lote sa Angeles City sa Pampanga. Sabi ko, palitan niya 'yong 30,000 (AUD) ko. "Para magawa 'yon, sabi ko, 'wag na muna niyang ipadala 'yong allowance [ni Zhen-Zhen] for six monthsâJuly, August, September, October, November, and December...Ang total noon, 15,000 (AUD). Plus, another 15,000 (AUD) for tuition. Para pag umuwi ako diyan, iyong peso ang ibabayad ko." [Sa current exchange rate, ang one Australian dollar ay nagkakahalaga ng P40.71 Philippine peso.] Inasikaso raw nila ni Robin ito ngayong taon lang. "So, noong nandiyan ako noong last week of June, inisyuhan niya ako ng check worth P1.2M. Bale, palitan ang nangyari. "'Yong lote is worth P1.740M. Hindi regalo 'yon. Kaso, ang lumalabas, talagang bigay. Para namang ako pa rin ang First Wife ang dating!" natatawa pang sabi niya. -
Anna Pingol, PEP