ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Jackie Rice defends new Kapuso artist Sam Pinto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Next week ay matatapos na ang GMA-7 fantaserye na Ilumina, na tinatampukan nina Rhian Ramos, Aljur Abrenica, at Jackie Rice. Ito ang biggest break sa TV para sa StarStruck 3 Ultimate Female Survivor na si Jackie. Sa farewell/thanksgiving presscon ng Ilumina noong Thursday, November 11, sa Celsius Bar, sa bandang Tomas Morato sa Quezon City, tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang pinakamami-miss niya sa pagtatapos ng kanilang fantaserye. "Lahat actually, lahat!" sagot ng young actress. "Yung show, yung mga kasama ko siyempre. Kasama ko sila sa puyatan, e, 'yang mga 'yan, di ba? "Lahat 'yan mami-miss ko. Mami-miss ko yung trabaho kasi patapos na rin." Sino ang pinaka-close niya sa show? "Sa tent siyempre, kung sino yung kasama ko. Sina Rox Montealegre, si Ella Cruz, yung bata... Yung mga puting sorsera," banggit ni Jackie, na ang tinutukoy ay mga roles nila sa Ilumina. Of course, mami-miss din daw niyang katrabaho ang lead stars na sina Rhian at Aljur. Kuwento ni Jackie tungkol sa mga eksena nila ng female lead: "Si Rhian, pag may eksena kami, before mag-take, magso-sorry na ako pag may sakitan." At tungkol naman sa male lead: "Si Aljur, pag halimbawang may eksena kami, nakaka-bonding ko siya. Siyempre, kailangan mo ng something, na may alam kami sa isa't isa para hindi kami nahihirapang magka-eksena. Mahirap yung wala kaming alam sa isa't isa, e." Matapos ng Ilumina, hindi pa alam ni Jackie ang next project niya. "Wala pang sinasabi, pero I'm sure meron 'yan. Sana meron, di ba?" sabay tawa ni Jackie, na maganda naman ang relasyon sa mga boss ng GMA-7. SAM PINTO. Kasama ni Jackie ang baguhang si Sam Pinto sa Ilumina at Bubble Gang, kaya itinanong namin kung totoo bang nakakailang takes ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate sa mga eksena nila? "Hindi po!" tanggi ni Jackie. "Nakikita ko, okay si Sam. Actually close ko si Sam. "Nakikita ko siya na she's trying her best. Ano siya, Ingglesera siya, e, pero marunong siyang mag-Tagalog. "E, meron, like sa script, na malalalim [na Tagalog], pero hindi naman yung marami na takes. Puwede namang magkamali kasi taped naman 'yon, e. Puwede mo namang ulitin. "Marami kaming eksena sa Bubble Gang, hindi naman kami maraming takes. "Kagabi, kaeksena ko siya sa Ilumina, naka-take one lang kami!" pagtatanggol pa niya kay Sam. Wala bang insecurity si Jackie sa magagandang mga baguhan sa GMA-7 tulad nga nina Sam at Gwen Zamora? "No, walang ganun," simpleng sagot niya. "Happy ako kasi wala akong kapatid na babae. So, ito, mga nakakasama ko—mga magaganda, di ba?" SILA PA RIN. Kinumusta naman ng PEP ang lovelife ni Jackie. "Okay naman, siya pa rin, yeah!" natatawa niyang sabi. Nang itanong namin ang pangalan ng kanyang boyfriend, as usual, ang sagot ni Jackie ay: "Secret!" Dagdag niya, "Ano e, parang... Basta meron po akong lovelife." Pero hindi raw regular mag-date si Jackie at ang non-showbiz boyfriend niya. "Bilang ang Ilumina po, e, four times a week ang taping namin at puyatan, umaga na natatapos. So, papaano mo pa maisisingit? "Bata pa naman ako, may work rin naman siya, e," paliwanag ng 20-year-old actress. So, once a week na lang sila magkita? "Minsan nga wala na, e, hindi na. Pero halimbawa, like 'yan, patapos na yung show... E, kasi busy rin naman siya." Paano nila name-maintain ang relasyon nila kung bihira silang magkita? "Maintindihin naman kasi siya, e. Naiintindihan niya yung trabaho ko. Iyon ang maganda kasi," sagot ni Jackie. Biro namin sa kanya, baka naman may iba nang idine-date ang boyfriend niya? "Huwag naman, huwag naman, magiging itim na sorsera ako! Ipapakita ko yung powers ko pag meron siyang ibang dine-date!" tawa ni Jackie bilang pagsakay sa biro. Pumapasyal naman daw sa taping ng Ilumina ang boyfriend niya, at naipakilala na niya sa mga cast members. "Kakilala na siya ng lahat. Yung... kumpara sa co-stars ko at mga staff, mas ka-close pa niya kaysa sa akin, katsikahan niya," sabi niya. Sabi namin, ang press na lang ang hindi kilala ang boyfriend niya. "Mahiyain kasi siya, e. Baka raw pagpiyestahan siya, ayaw niya naman. Hindi pa siya sanay." Almost nine months na raw ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. - Rommel Gonzales, PEP
Tags: jackierice