We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dumalo si Kristine Hermosa last Saturday, November 6 sa opening ng isang bagong direct-selling company na nagbebenta ng mga beauty products. Matagal na siyang endorser nito. Nakausap si Kristine ng mga dumalong entertainment press that morning at natanong tungkol sa kanyang paghahanda sa kasal nila ni Oyo Sotto. Bukod pa rito, tinanong naman siya tungkol sa âdi niya pagkakasama sa film entry ng Si Agimat at si Enteng Kabisote. Si Kristine ang dating gumanap sa role na Faye na leading lady ni Vic Sotto sa Enteng Kabisote. Si Vic ang ama ni Oyo. According to Kristine, pareho sila ni Oyo na gusto pa na maging Faye siya opposite Vic. Pero pinili na ng kanyang future father-in-law na kumuha na lang ng ibang artista na gaganap na Faye. Ang baguhan na si Gwen Zamora ang napili ni bossing Vic na gumanap bilang engkantada na wife ni Enteng Kabisote. âKasi from one of the interviews yata, parang sinabi yata ni Bossing na nahihiya na daw siya kay Oyo. Hindi ko lang alam kung yun talaga ang dahilan. May nag-kuwento nga lang sa akin na yun nga daw. âSo, I guess yun yung dahilan and I respect that. Gusto ko pa rin sana maging part of it pero okay lang âyun," ayon sa aktres. Dagdag pa ni Kristine, nami-miss niya ang shooting na ginagawa pag ganitong time pero alam niya na busy siya sa paghahanda para sa kasal nila ni Oyo. At least daw, ma-e-enjoy niya na ang Christmas this time kasi walang MMFF parade siyang pupuntahan. - Paul Mata, PEP