We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Late nang nakarating si Senator Ramon âBong" Revilla Jr. sa prescon nila ni Vic Sotto last Wednesday. Busy kasi ang senador with the budget hearings na ginagawa nila. Halos isang oras ding sumagot ng tanong ang co-star niyang si Vic Sotto tungkol sa sa team-up nila at movie na Si Agimat at Enteng Kabisote. Agad naman sinugod si Senator Bong ng mga photographers nang dumating ito sa Annabelâs restaurant sa Tomas Morato kung saan ginanap ang prescon. Isa sa gusto niyang ginawa para sa pelikulang ito ay nabigyan ng break ang mga baguhang artista. All praises nga siya sa kanyang leading lady na si Sam Pinto. Sam plays Samara, a warrior who is looking for Agimat to save their world. âSheâs a very good actress for a beginner like her, okay siya. Sa tingin ko isa siya yung mag-sa-shine. Makikita niyo sa pelikula kung ano yung sinasabi ko. Magaling siya dito," he said. Isinasantabi na lang ni Bong ang tungkol naman sa isyung nag-uunay sa kanyang current leading lady. âYung mga ganyan bagay, sanay na ako diyan. Pinapalagpas na lang natin," sabi ni Bong na na-li-link sa bawat leading lady niyang kasama sa pelikula. He hopes that he can later work with Gwen Zamora, ang leading lady naman ni Vic Sotto. Gwen plays Faye, the wife of Enteng Kabisote. âWhy not? Kailangan natin tulungan yung mga baguhan katulad nila. Karangalan din namin na maka-trabaho ang mga bagito na tulad nila." - Paul Mata , PEP