Hindi nababakante sa teleserye sa GMA-7 si Janice de Belen. Nawala man a couple of years ago ang morning show nila nina Gelli de Belen at Carmina Villarroel na
Sis, na tumagal sa ere ng walong taon, ay tuluy-tuloy naman ang paggawa niya ng mga teleserye. Mula
Darna (starring Marian Rivera), then
Endless Love (with Marian and Dingdong Dantes) last year, sa pagbubukas ng 2011 ay kasama si Janice sa pambuena-manong handog ng GMA-7âang
Dwarfina. Topbilled by Heart Evangelista and Dennis Trillo, ang upcoming fantaseryeng ito ay istorya ng adventures and misadventures ng isang duwende na hindi lalaki sa isang daliri ng tao. Gumaganap si Janice bilang ina ni Heart as
Dwarfina. "I play the mother of Heart here in
Dwarfina, na may naging sumpa ang isang black duwende sa buhay naming kaya nagkaroon kami ng anak na duwende. "Pero kahit na ganoon ang abnormality niya, itinuring pa rin naming siyang normal na anak," kuwento ni Janice sa kanyang role, with Cris Villanueva naman as her husband. Kasama rin sa
Dwarfina, na magsisimula na sa January 10, sina Pauleen Luna, Will Devaughn, Kylie Padilla, Angelika dela Cruz, Jackielou Blanco, Chanda Romero, Mark Bautista, Iwa Moto, Mico Aytona, Emilio Garcia, Vanness del Moral, at Tony Mabesa.
HAPPY TO BE SINGLE. Bongga man ang career, kumusta naman ang kanyang puso? Wala ba talagang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon? "Alam mo, hindi ko maintindihan, walang naniniwala sa akin na wala talaga," diin niya. "Wala talaga, promise! Wala talaga. "You know, it's naman just because you don't have a partner, you're not attached with anyone, e, hindi ka na ba puwedeng maging masaya nang mag-isa ka lang? "I'm happy because the past three years, ang dami kong na-accomplish. Na ang feeling ko, parang ang daming nangyari sa buhay ko, na ang daming magagandang nangyari sa akin, ang kapal naman ng pagmumukha kong maghangad pa nang sobra-sobra! "So, for now, this is what I have, let's be happy with it. I'm happy with what I have. "Should love come along, e, okey lang," sabi ni Janice sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng
Dwarfina sa Studio 7 ng GMA sa Quezon City noong Lunes, January 4. Kumbaga ba ay "why not kung dumating ang love" ang ibig niyang sabihin? "Okey lang," sagot ng aktres. "Hindi na why not, e. Okey lang... Okey lang meron, okey rin lang na wala." Pero kapag dumating nga ang pag-ibig na yun sa buhay niya ngayong 2011, iwe-welcome ba niya ang lalaking yun? "Hindi ko naman siya babagsakan ng pinto," biro niya. "Okey lang. We'll see, you know, we'll see. I think, this time, it's better to have that little bit of that fear, than to always been fearless when it comes to love. "It's safe to say na sa lifetime ko, e, naging masyado na akong fearless pagdating sa pag-ibig. I think this time, kailangang magkaroon ka na ng kaunting fear. "Hindi na madaling mag-start ng panibagong relationship, e." Na-trauma ba siya sa past relationships niya? "Hindi naman," aniya. "It's not easy lang to start a new relationship, e. "Ngayon, like what I've said, I've accomplished so much the past three years. Ine-enjoy ko yung accomplishment na yun. "Ine-enjoy ko na lang muna, sine-savor ko yung enjoyment, without having to answer to anybody but yourself." Ano ang ibig niyang sabihin sa "fear" na tinutukoy niya? "E, sino bang gustong masaktan, wala naman, di ba? I think, there's always that fear that if you start something, there's always an end to it. "E, at the moment, enjoy muna ako sa ganito. 'Steady ka lang!' Okey naman ako ngayon... Trabaho muna... Eto na muna ako."
IGI BOY. Hanggang sa napag-usapan na ang panganay na anak ni Janice na si Luigi "Igi Boy" Muhlach, na may sarili na ring baby ngayon. Si Igi Boy ay anak ni Janice sa aktor na si Aga Muhlach. "Lola" ba ang tawag sa kanya ng kanyang apo? "Hindi pa niya ako tinatawag, e. Ako, kung ano yung sabihin niya, okey lang... "Kasi, di ba, may mga nagsasabi, 'Ako, magpapatawag ako ng Mommy, ganyan...' Pero pag siya na ang tumawag sa 'yo, alam mo, kahit na ano pa ang sabihin niya, okey na! "Okey naman... I think it's not naman how you're called that is important. What is important is your relationship with the child, di ba? "Tawagin niya akong Lola, okey lang sa akin. Tawagin niya akong Janice, okey rin lang sa akin!" tawa ng aktres. Dagdag niya, "Okey lang sa akin kahit na ano. Ang importante is your relationship with the child." Magwa-walong buwan pa lang ang apo ni Janice kay Igi Boy. At sabi, usually daw, kung ano ang naririnig ng sanggol sa paligid nito ay siyang itatawag sa kanya bilang lola. "Yes, ganoon na nga. Kasi ang mommy ko, kaya 'Mommy' ang tawag nila sa mommy ko, e, dahil yun ang naririnig nila, o yun ang nakasanayan nila, at saka para hindi na sila mahilo." Madalas ba silang magkita ng anak nila ni Aga? "I live in Quezon City, sila naman, dun sila sa Parañaque. Siyempre, si Luigi is working, so medyo malayo. Malayo talaga. "Nung Christmas, may family dinner naman kami. New Year, hindi, kasi duty siya nung New Year, e. New Year is a good time for business pagdating sa resto," banggit ni Janice. Nakapag-adjust na ba si Igi Boy sa pagiging father nito? "You know what, sobra akong bow sa kanya sa devotion niya sa anak niya. Sobra akong na-shock! "Kasi, sobra siyang devoted sa anak niya. Di ba, ikaw, iniisip mo, 'Paano kaya sila if they have their own children, if they have their own lives?' "My son, I'm really happy and proud na he's really devoted. Dading-daddy siya," pagmamalaki ni Janice sa panganay na anak. Marahil, dahil napalaki niya rin nang maganda ang anak kahit single parent siya. "Alam mo, totoo yun," pagsang-ayon niya. "Sabi nga nila, pag magulang ka, hindi mo raw kaagad malalaman kung napalaki mo nang maayos ang mga anak mo until they have their own children. Doon pa lang. "Aminin na natin, meron talagang years na napu-frustrate ka sa kanilang lahat na, 'Ano baaaa?! Oh, my God, ano ba 'to?!' "But then, malalaman mo na lang na when you're over that... Kasi, lahat naman tayo, dumaan din tayo sa puntong gano'n. "Yun yung mga moments na sinasabi ng mga magulang natin na, 'Pag kayo, may mga anak na kayo, maiintindihan ninyo ang mga sinasabi ko.' "So, pag nakalampas ka na, when you see them make their own decisions, when they have their own families, doon mo lang talaga masasabing, 'A, okey naman pala [ang pagpapalaki ko sa kanila]...' "And I'm really proud of him." -
Mell T. Navarro, PEP