ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Ehra sympathizes with sister Michelle on breakup


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bilang kapatid, naapektuhan si Ehra Madrigal sa pag-iyak ng younger sister niyang si Michelle Madrigal sa guesting ng huli sa StarTalk last week, March 26. Sabay na nag-guest sina Michelle at Jon Hall sa Saturday showbiz talk show ng GMA-7 at pinag-usapan dito ang tungkol sa kanilang breakup. Ayon kay Ehra ay nabigla si Michelle: "Hindi siya na-brief. Kasi bini-BBM ko siya after, sabi ko, 'Uy, bakit ka naiyak?' "Akala lang niya walk-in lang na interview. Kasi normally, lahat [Captain Barbell cast] talaga papasok, parang magpo-promote. Hindi nila alam na ihihiwalay yung segment nilang dalawa [ni Jon] and itatanong pala about sa breakup nila. "So, nagulat siya. And I think she's still very emotional kasi a few weeks pa lang naman silang nag-break. So, parang siyempre fresh, and siyempre ang tagal na rin nila ni Jon, e. And considering nasa Survivor [Celebrity Showdown] sila and iba yung naging bonding nila doon." Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ehra sa taping ng I ♥ You Pare sa Boiler Room sa Marikina. Two years tumagal ang relasyon nina Michelle at Jon. Sa palagay ba ni Ehra ay hindi pa nakaka-move on si Michelle? "Well, pareho siguro sila, and since si Michelle ang girl, mas emotional. It's just that ngayon siguro yung time na hindi na muna... "Kasi hindi sila nagkakasundo kaya mas okay siguro na break na muna sila. And, eventually, pag naging okay... Tingnan natin kung magiging okay ulit sila at magkakabalikan sila," sagot ng sexy star. Bilang kapatid, gusto pa ba ni Ehra na magkabalikan ang dalawa? "Siyempre ako, sa lahat ng nagiging boyfriend ni Michelle, hangga't sa maaayos siyempre, mas mabuti na ayusin. Pero yun na nga, kung hindi na nagwu-work out, mahirap din namang pilitin. "So, mas maganda na rin kasi lagi silang nag-aaway. And ang hirap na pareho sila ng work, pareho pa sila ng management. So, kung hindi na nagwu-work out..." Parehong alaga ni Annabelle Rama sina Michelle at Jon. EHRA'S LOVELIFE. Kung hindi maganda ang lovelife ni Michelle ngayon, si Ehra naman ay maligayang-maligaya dahil going smoothly daw ang relasyon nila ni Myke Salomon or DJ Myke for seven years. "Kami pa rin, ang tagal na namin!" sambit ni Ehra. Bakit ayaw pa nilang magpakasal? "Hindi pa siya nagpu-propose! Charot lang!" tawa niya. "Hindi, hindi pa ako handa. Parang kung mag-propose, siguro, long engagement. "Kasi parang ewan ko, marami pa akong gustong mangyari sa career ko, e. Parang feeling ko, ang dami ko pang gustong gawin, na hindi ko pa naa-achieve yung gusto kong marating sa buhay, parang ganun. Gusto kong ma-maximize ang lahat ng puwede kong gawin sa showbiz." Hindi ba nila napag-uusapan ni Myke ang tungkol sa kasal? - Philippine Entertainment Portal