We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
VANCOUVER, CANADA - Nakunan ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Pia Guanio hinggil sa maiinit na isyung kinasasangkutan niya ngayon. Habang abala ang buong Eat Bulaga! Dabarkads sa paghahanda para sa show na gaganapin dito sa Sabado, April 23, 7 p.m., Vancouver time (Linggo, April 24, 10 a.m. Manila time), kasabay na rin ang pag-e-enjoy sa kanilang maiksing bakasyon sa maganda at malamig na siyudad na ito, ay sinikap kunan ng pahayag ng PEP ang EB co-host. IS PIA GETTING MARRIED? Unang isyu ay yung nasulat sa isang tabloid column na diumano ay magpapakasal na siya sa kanyang napapabalitang non-showbiz boyfriend na ang first name ay Steve. "Ha? Talaga!? Buti pa sila, alam nila. May ganun ba?" natatawang bulalas ni Pia, na sinundan niya ng, "Baka may magpo-propose! Hahahaha!" Dagdag niyang sagot, wala raw nanggagaling sa kanya na ganung balita kaya hindi niya alam kung bakit may lumabas na gano'n. Definitely ay wala rin daw kinalaman doon ang kanyang manager na si June Torrejon dahil wala siyang nababanggit dito na kung anuman. "I hope I can give a reaction to that, pero wala talaga." Pabirong sabi pa sa amin ni Pia, kung sakaling meron man siyang ia-announce ay isa kami sa mga una niyang sasabihan nito dahil matagal na namin siyang kachika at ayaw niyang masira ang aming friendship. Manggagaling daw 'yon mismo sa kanya at hindi 'yung mauuna pang magbalita ang ibang tao. MYSTERY DATE. Ang sunod naming hiningan ng paliwanag sa kanya ay yung kumalat na pictures recently sa Internet. May isang female TV host na nakunan ng cellphone pictures na nakikipaghalikan sa kasama nitong lalaki sa isang restaurant sa Makati. Nailathala rin ang mga larawang ito sa PEP noong Linggo, April 17. Hindi man direktang pinangalanan ng blogger na unang naglabas nito, na si Pia ang babaeng 'yon, ay maaaninag mula sa medyo may kalabuang photos na tila kamukha niya ito. Pati ang mga ibinigay na clues ng blogger ay halatang patungkol sa kanya. May ilang showbiz columnists na rin na diretso nang pinangalanan na si Pia ang babae sa mga kumalat na litrato. Bilang sagot, kaswal na sinabi sa amin ng TV host na last Sunday, April 17, niya unang narinig ang tungkol doon. May ilang staff daw sila sa Showbiz Central na nagbanggit sa kanya. Pero hanggang doon lang daw 'yon dahil siya mismo ay hindi pa niya nakikita ang nasabing kumakalat na pictures. Hindi ginawan ng istorya ng Showbiz Central ang naturang isyu, pero tila balak daw ng show na pagsalitain siya at kunin ang kanyang side about the matter. Isa sa mga hosts ng showbiz talk show na ito ng GMA-7 si Pia. Tinawanan lang daw ito ni Pia at sinabing huwag na lang siya ang pag-usapan sa kanilang show at humanap na lang ng ibang istorya. Sa PEP, ito ang sinabi niya, sa tonong kaswal: "I don't really care because I try to stay away from those things. "I'm sorry, pero hindi ako nagbabasa ng mga ganung blogs at ng iba pang online sites, so hindi ko pa talaga nakikita yung pictures. "At saka I don't have naman to explain myself to anyone. I'm answerable only to myself, to my God, and to my bosses. "My life is an open book, so hindi ako naba-bother sa mga ganung bagay. "I don't owe anybody an explanation."
These blurry shots of a female "television personality" kissing a "hot hunk" inside a restaurant were posted on the blogsite Fashion Pulis. These shots were reportedly taken last Friday night, April 15, inside a restaurant in Greenbelt. -- fashionpulis.com