ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
PEP: MTRCB suspends Willie Revillame’s show for one month
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Matatandaan na noong Abril 18, inihayag ni Willie na hindi muna ipapalabas ang kanilang programa sa loob ng dalawang linggo. Nakatakda sanang bumalik ang Willing Willie noong nakaraang linggo ngunit hindi pa rin umere ang programa dahil, ayon sa business unit head ng programa na si Jay Montelibano, hinihintay pa ng kanilang grupo ang advice ng TV5 pagkatapos makipag-usap ng network executives sa MTRCB. Nang tanungin ng PEP si Montelibano ngayong hapon kung makakabalik na ang programa sa Lunes, May 9, ito ang naging sagot niya sa aming text message: "We can already start airing May 9 but we're still discussing internally, while rehearsals are ongoing daily, if May 9 is already a go." Sinubukan din naming linawin kung sa "per-episode permit" na desisyon ng MTRCB ay kailangang i-review muna ng ahensiya ang kanilang episode bago maipalabas. Ayon kay Montelibano, maaring hindi ito maging applicable sa kanilang show dahil "live" na umeere ang Willing Willie. Nakatakdang maglabas ang TV5 network ng opisyal na statement ukol dito ngayon araw. - Nerisa Almo, PEP
More Videos
Most Popular