We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nanganak na si Andi Eigenmann! Nagsilang siya ng healthy baby girl dakong 5:20 ng hapon nitong Miyerkules via the caesarian section sa isang pribadong ospital. Ang timbang ng baby na pinangalanan niyang Adrianna Gabrielli ay 7 lbs and 8 ounces. Lunch time kanina nang magsimulang mag-labor ang aktres at bandang 12:30 ito nag-one cm. Normal delivery ang gustong paraan ng panganganak ni Andi ng pero tila nag-high risk ito kaya nagdesisyon ang mga doktor na i-caesarian siya. Sa kasalukyan ay nasa recovery room na rin siya. Samantala, napu-frustrate ang kanyang ina na si Jaclyn Jose dahil hindi nito na-witness ang kaganapan sa anak. Galing ito sa South para sa isang out-of-town taping, at nasa kalsada siya at naiipit sa traffic. -- Anna Pingol, PEP