ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

LJ Reyes credits weight loss to breastfeeding


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi lang isa kundi marami ang nakapuna sa payat na pangangatawan ni LJ Reyes ngayon. Biro nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, nang makapanayam ito sa Christmas party treat ng PPL Entertainment na siyang humahawak ng kanyang acting career, baka nakikiuso siya sa karakter ni Kristen Stewart sa Hollywood movie na The Twilight Saga: Breaking Dawn. Sa pelikula, nagmistulang buto't balat ang aktres na si Kristen na gumanap na Bela na buntis sa kanyang baby. Pero si LJ ay higit na isang taon nang nakapanganak sa baby nila ni Paulo Avelino, kaya nakakapagtaka namang gayahin nito ang karakter ng nasabing bidang babae sa sinasabing vampire movie. "Huwag naman yun! Parang mamatay na yung ganon," bulalas agad ni LJ sa paghahalintulad namin sa kanya kay Bela. Wala namang diet regimen na sinusunod o ginagawa si LJ para maging dahilan ng pagpayat niya. "Siguro dahil sa kaka-breastfeed at sa kakaalaga ng bata. "Kasi hands on naman talaga kami," paliwanag niya. One year and four months na raw ang anak niya. Agad naming pinagtakhan kung bakit mahigit isang taon na ay nagbi-breast feed pa ang anak niya samantalang puwede naman ito sa mga processed powdered milk? "Ayaw niyang tumigil," mabilis na tugon ni LJ kasunod ang pagpapaliwanag ng rason kung bakit. "Siguro nasanay siya. Sabi nila sa akin...like si Ate Christine Jacob. Kahit yung babies niya, ayaw talagang mag-bottle. Nasanay nga sa breastfeed," saad niya. Sinubukan na raw ni LJ na sanayin sa bottle feeding ang anak. "Ay, naku, grabe po. Pati Lola ko, lahat na po nang kamag-anak ko trinay siyang i-bottle feed, pero ayaw. Ayaw niya talaga. So, wala akong choice," paliwanag niya. Umaayon si LJ na nakukuha raw ng anak niya ang dapat sanang sustansyang para sa katawan niya. "Kinuha niya nang bongga. Yun lang!" sabay halakhak sa sinabi. "Kaya lahat ng good nutrients sa kanya napupunta." Dugtong niya, "Kumakain naman ako ng healthy kasi nagbi-breast feed siya. "More on gulay, mga ganyan. Healthy food." RELATIONSHIP PROBLEMS? May pinagdadaanan ba si LJ sa pagsasama nila ni Paulo Avelino kaya siya pumapayat? "May pinagdadaanan ba ako?" biro niyang tanong. "Joke lang," bawi niya agad saka nagsalita uli. "Sa katawan lang. "Okey pa rin naman kami e," pagpapatunay niya. Pinagduduahan namin ang pagpapatunay ni LJ na maayos ang samahan nila ni Paulo kaya naman patuloy ang sabi niyang, "Oo naman. Yes!" patungkol sa maayos na relasyon nila ng ka-live in. May mga bali-balita kasing nagkaka-problema raw sa kanilang pagsasama sina LJ at Paulo. May mga diskusyon daw ang dalawa na hindi niya kayang ayusin. "Ano kaya yun? Hindi ko alam e," nangingiting pagtatanong ni LJ. "Kaya siguro nila naiisip yun dahil hindi niya pinag-uusapan yung tungkol sa amin at yung tungkol sa bata." A VERY PRIVATE PERSON. "Kasi si Pau naman is a very private person. "And even before naman po, hindi naman po siya mahilig magsalita tungkol sa pribadong buhay niya. "Yun nga po, nagtataka rin siya kung bakit parang porke't hindi siya nagsasalita about us, ganun na ang issue. "Siguro na-weirduhan sila dahil ako very open about it. "Pero ever since naman, open naman ako sa lahat kahit anong itanong ninyo sa akin, sinasagot ko hangga't makakaya ko, sasagutin ko," paliwanag ni LJ. Sa natatandaan namin hindi man madaldal si Pau pero hindi ito maramot magsalita pag tungkol sa kanyang anak at kay LJ. "Pero sobrang liit lang. He lets you in, pero very little lang. "Hindi siya katulad ko na kahit ano sasagutin ko," ang sabi niya. Sa paniniwala ng iba, maaaring pasimulan ito ng problema sa pagsasama nina LJ at Paulo dahil sa kanilang pinaniniwalaang perimeter ng personal nilang buhay. Si LJ ay masyadong vocal sa kanyang pamilya samantalang tikom naman ang bibig ni Pau pagdating sa kanyang mag-ina. "Alam n'yo po, kung nakikita n'yo lang siya bilang siya sa pribado niyang buhay. "Makikita n'yo po na sobrang proud niya talaga. "Ang mahirap lang din po talaga sa trabaho natin, may mga bagay na hindi mo puwedeng...parang, may mga bagay kasi na kailangang manatiling pribado at hindi puwede ipagsigawan. "Siguro sa kanya, ganun. Kailangan niyang ihiwalay, yung Paulo Avelino at yung Michael Paulo Avelino," paliwanag niya. -- Rey Pumaloy, PEP