We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakakahinga na nang maluwag ngayon ang Brazilian model-actress pero pusong Pinoy na si Daiana Menezes dahil natapos na ang problema niya sa P2-million tax evasion case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito nga ang ibinalita ni Daiana sa guest appearance niya sa Showbiz Exclusives ng GMA News TV Channel 11 nitong Huwebes, Pebrero 23. "Clear na ang lahat. I paid everything. "Ang problema, I want to recompute everything. "But this year, I paid everything," sabi ni Daiana sa panayam sa kanya nina Nelson Canlas at Isabel Oli. Kung tutuusin, hindi naman daw niya ito kasalanan dahil akala niya ay inaasikaso ito ng dati niyang manager. Nagulat na lang siya nang makatanggap ng sulat mula sa BIR at dito na nga niya nalaman na malaki pala ang tax na hindi pa niya nababayaran. Kaysa lumala pa ang problema, nakipag-settle na lang siya sa BIR at binayaran ang kulang niyang tax. NOT DATING CHAVIT. Isa pang isyung binigyang-linaw ni Daiana ay ang balitang nagde-date diumano sila ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson. Paglilinaw ni Daiana, "No, he is my ninong in baptism. I was baptized here, so naging Catholic ako dito." Diumano'y madalas siyang makita sa Ilocos kaya nabibigyan ng kulay ng iba. Ano ang masasabi niya rito? "Yeah, I'm always there. I'm always in Ilocos. "Sometimes bini-visit ko sila. Parang sila ang family ko dito," sabi niya. "AYOKO NAMAN MAGING MISTRESS." Sinagot din ni Daiana ang isyung bitter daw siya sa naging breakup nila last year ng dating fiancé na si Direk GB Sampedro. "Of course naman," ang sagot niya. Masakit daw talaga para sa kanya dahil nai-announce na nga naman niya sa lahat ang tungkol sa kasal nila. Sa Brazil pa nga sila dapat magpa-Pasko para mamanhikan si Direk GB sa mga magulang ni Daiana. Pero ikinagulat nga ng lahat ang biglaan nilang paghihiwalay. "Blessing na lang na hindi natuloy yung kasal. Yes, we announced, we were very happy. "And then at the end of the relationship... medyo pangit yung paghihiwalay." Kumusta na sila ni Direk ngayon? Nagpapansinan ba sila? "Never kami ulit nag-usap. Actually, yung breakup was through text." Ano ba ang dahilan na hindi natuloy ang plano sana nilang pagpapakasal? "Yung gusto niya hindi ko kayang ibigay. "And then besides that, I found out after we broke up na married pa rin pala siya. "Di ba, meron siyang kids. Na-meet ko naman sila. "Pero ang sinabi niya sa akin, annulled na sila. Pero apparently hindi pa. "So, parang ako naman ayoko naman maging mistress." Tumanggi namang magdetalye si Daiana sa sinabi niyang gusto ni Direk na hindi niya kayang ibigay. THE CONDO ISSUE. Halos kasabay ng pakikipag-break ni Daiana kay Direk GB ay isa pang pangit na karanasan ang nangyari sa model-actress. Nasunog kasi ang tinitirhan niyang condominium unit. Sa naturang condo rin two floors apart nakatira si Direk GB. Nakadagdag din sa sama ng loob niya na hindi man lang daw siya tinulungan ng dating karelasyon. "I just found out from the guard, sabi niya, 'Ma'am, nasaan po ang mga tao?' Sabi ko, wala namang mga tao. "Sabi niya, 'Kasi we called him [Direk GB] to help you out.' Siguro tulog lang siya or baka wala. "Yun pala, nandun siya. Parang wala lang sa kanya." Nagpapasalamat na lang daw si Daiana sa Diyos na na-survive niya ang lahat ng ito. WILL NOT LEAVE THE PHILIPPINES. Dahil sa mga intriga sa showbiz, balitang iiwan na raw ni Daiana ang Pilipinas. Lalo pa nga't may offer umano sa kanya sa Brazil para sa isang TV show. "Yes, may offer. Pero actually sa lahat ng pinagdaanan ko rito, despite everything, I decided to stay. "I don't think I can ever let it go." Regular naman kasing napapanood si Daiana sa Eat Bulaga!. Mahal na mahal niya rin daw ang mga Dabarkads at hindi niya kayang iwan ang mga ito. -- Glen Sibonga, PEP