ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili confirms pregnancy; singer Kris Lawrence is the father


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kumpirmadong buntis ang sexy actress na si Katrina Halili. Unang naiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagdadalang-tao ni Katrina ngunit ayaw magbigay ng kumpirmasyon noon ng mga taong malalapit sa Kapuso actress. Inamin ni Katrina ang kanyang pagdadalang-tao sa taped interview sa kanya ni Ricky Lo para sa StarTalk, na ipapalabas ngayong hapon ng Sabado, March 24, pagkatapos ng Eat Bulaga. Fifteen weeks na ang ipinagbubuntis ni Katrina. Ang ama ng dinadala ni Katrina ay ang singer na si Kris Lawrence. Ito ay sa kabila ng wala silang ginawang pag-amin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Abangan ang mas detalyadong artikulo kaugnay ng pagbubuntis ni Katrina dito sa PEP. -- Erwin Santiago, PEP