ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chen Sarte says breakup with Aiza Seguerra was not caused by Krizza Neri


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
“If what you’re asking me is kung siya iyong dahilan kung bakit kami naghiwalay, hindi po." Ito ang paglilinaw ni Chen Sarte sa isyung si Protégé winner Krizza Neri ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating kasintahan na si Aiza Seguerra. Marso 20 nang iulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol ang pagtatapos ng halos pitong taong relasyon nina Aiza at Chen. Hindi tinukoy sa balita kung ano ang rason. Marami lang ang naghinalang may kinalaman dito si Krizza dahil nakipagpalitan ito ng “I love you" kay Aiza sa Twitter. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chen nitong Miyerkules, Abril 25, sa General Assembly ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit), sinabi nitong “mutual decision" ang kanilang paghihiwalay. Bagamat tumanggi itong magbigay ng iba pang detalye, nilinaw naman niya na maayos pa rin ang pakitungo nila sa isa’t isa. Aniya, “You can say that [we’re friends]. I’m not closing any doors." Patuloy pa rin naman daw si Chen sa pagtulong kay Aiza sa pag-book ng mga proyekto. “I’m gonna be representing her for some mga projects, ganyan. But management wise, hindi naman. She’s the boss of herself. “I still book projects for her but I coordinate with her manager Annabelle Regalado." Kumusta naman ang komunikasyon sa pagitan nila ni Aiza? “Right now hindi masyado because I think she’s busy also. “And you know I’m busy also with Cathy [Go] because I just launched her, so medyo walang communication at this point. “I’m also starting this little management thing and production so medyo walang time." Sa puntong ito, naka-move on na ba si Chen sa mga nangyari sa kanila ni Aiza? “As co-worker, it’s easy naman kasi it’s a professional decision and it’s, you know, it’s easy to move on. “Like I said before, ang dami niyang naituro sa akin in this industry and iyon... so I think I am trying to move on and start again." Ano naman ang reaksiyon niya sa mga nasusulat at naibabalita tungkol sa buhay pag-ibig ni Aiza? “I don’t know what to react. I hope she’s happy whatever it is. Iyon lang." Ano naman ang masasabi niya na nali-link ngayon si Aiza kay Krizza? “Wala po akong masabi kasi hindi po ako sila." -- Demai G. Sunio-Granali, PEP