We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
PEP EXCLUSIVE: Marami ang nagulat nang dumating ang Brazilian model na si Daiana Menezes sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III sa House of Representatives. Kasama ni Daiana na lumakad sa red carpet, papasok sa Session Hall ng Kongreso, si Cagayan de Oro Congressman Jose Benjamin "Benjo" Benaldo. Para kay Daiana, hindi naman dapat ikagulat kung naroon man siya. “I was invited by him [Congressman Benaldo]. I was asked to be his date," sabi ni Daiana nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng BlackBerry Messenger, ilang araw matapos ng appearance niya sa SONA. “It’s been a while, and I got the invitation with my name. So, why decline to accompany a good friend? “Being at the SONA, it’s also my right as a permanent resident. “There’s nothing wrong to be updated. I pay my duties and taxes to this country as a worker and foreigner," dagdag pa ng 25-year-old Brazilian. Pero dahil single siya ngayon, naintriga ang mga nakakita sa kanila ni Congressman Benaldo kung ito na nga ba ang bago niyang boyfriend. “Hindi pa," agad na sagot ni Daiana nang tanungin ng PEP. “Well, all I can say is that he’s very special to me. And he’s being a gentleman." Kongresista ng first district ng Cagayan de Oro ang 38-year-old na miyembro ng House of Representatives. Maituturing na kontrobersiyal sa daigdig ng pulitika si Benaldo dahil sa diumano'y maluhong istilo ng pamumuhay nito sa kabila ng paghihirap na dinaranas ng kanyang mga kadistrito. Nitong buwan lang, hiniling ni Cagayan de Oro first district Councilor Edgar Cabanlas na sumailalim sa lifestyle check si Benaldo dahil sa palagian nitong paglabas-masok sa bansa. STILL CAREFUL. Dahil sa hindi magandang kinahinatnan ng huling pakikipagrelasyon ni Daiana sa isang Pinoy, nagbitaw siya ng salita sa isang interview, na magiging maingat na siya sa mga lalaking Pinoy. Apat na buwan na ang nakaraan mula nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon ba’y nag-iingat pa rin siya sa mga barakong Pinoy? “I think every wise woman should be careful and maingat," sagot ni Daiana. “Not just because a guy is Filipino, nag-iingat ngayon ako, lalo after all that has happened to me. “Natuto na ako. Mahalin muna ang sarili mo, 'wag i-rush [ang relationship], and focus more sa work." Nag-e-enjoy rin daw siya ngayon sa pagiging single at nakikipagkaibigan muna. Katulad nga ng pakikipagkaibigan sa kanya ngayon ni Congressman Benaldo, na nabibigyan daw ng ibang kulay ng mga gustong mang-intriga. Sagot na lang ni Daiana sa mga nang-iintriga: “If I’m seen in public with anyone, I won’t deny. There’s no reason to hide, no guilt at all. “Because there’s nothing wrong with being young, single, enjoying life, and having friends. “As long as nirerespeto ko ang sarili ko." -- Rommel R. Llanes, PEP