Filtered By: Showbiz
Showbiz

Top 10 female contenders of GMA-7’s Protégé


Pagkatapos maipakilala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sampung male contenders ng Protégé: Battle For The Big Artista Break, ngayon naman ay kilalanin natin ang kanilang female counterparts… Mindanao APPLE VEGA, 20, Dipolog City Isang registered midwife si Apple at nakapagpaanak na while on duty raw siya sa kanilang school. Nang tanungin kung ano ang payo sa kanya ng kanyang mentor na si Phillip Salvador, tugon ni Apple: “Disiplina sa sarili, respeto hindi lang po sa sarili kundi pati sa mga kasama. At laging magpe-pray at mag-trust kay Lord." STEFFI PACHECO, 16, Davao Hindi makakalimutan at labis na nagpasaya daw kay Steffi ang sinabi sa kanya ni Kuya Ipe (Phillip) na nakakita nito sa kanya ang potensiyal na maging isang sikat na artista. Visayas ZANDRA SUMMER, 18, Cebu Sumali daw si Zandra sa Protégé dahil bata pa lang daw ay pangarap na raw niyang maging artista. “Hindi ako … it’s not about the prize or anything, but it’s about reaching my dreams and being a part of showbiz," ayon kay Zandra. MITCH CAPILI, 15, Bohol Ramdam daw ni Mitch na ito na ang panahon para matupad niya ang kanyang pangarap na maging artista at masundan ang yapak ng kanyang idol na si Miss Regine Velasquez-Alcasid. North and Central Luzon SHELLY HIPOLITO, 16, Nueva Ecija Hangad naman ni Shelly na mahubog ang kanyang skills and talents at matulungan ang kanyang pamilya kaya sumali sa Protégé. REESE TAYAG, 16, Tarlac Puno daw ng pagsubok ang buhay ni Reese. Kaya ang kanyang idol, ang katulad niyang dumaan din sa maraming challenges at talented na si Jennylyn Mercado. South Luzon ARNY ROSS, 21, Cavite Tinanghal na Miss Cavite Global 2008 at Binibining Dasmariñas si Arny. Grand winner din siya ng Circle of 10 Image Model Search noong 2009. Kaya naman daw ultimate dream niya ang manalo sa Protégé. THEA TOLENTINO, 15, Laguna Kahit sumali siya sa Protégé, hindi raw huminto sa pag-aaral ang fourth year high school student na si Thea. Nais niyang balansehan ang pag-aartista at pag-aaral sakaling tuluyan na siyang makapasok sa mundo ng showbiz. Mega Manila KELLY D, 15, Pasig City “Maging totoo sa sarili, ipakita ang kakayahan." Ito raw ang payong natanggap ni Kelly sa kanyang mentor na si Roderick Paulate. Si Marian Rivera naman ang idol ni Kelly at inaasam niyang makatrabaho ang Kapuso primetime queen. ELLE RAMIREZ, 18, Rizal Naniniwala si Elle na angat siya sa kanyang mga kakumpitensiya pagdating sa acting. “Kasi pagdating sa acting, naniniwala ako, yung emosyon ko, mabilis akong mag-sensitize. So, iyon ang sa tingin kong nakikita kong edge sa kanila." -- Rommel Gonzales, PEP
Tags: protege