Filtered By: Showbiz
Showbiz

Albert Martinez claims stem cell therapy cleared wife Liezl Martinez of breast cancer


Laking pasasalamat ni Albert Martinez at ng kanyang pamilya na cleared na sa breast cancer ang asawa niyang si Liezl Martinez. Kuwento ni Albert sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa tulong daw ng stem cell therapy ay naging cancer-free ang asawa. “Ok naman, so far with God’s blessing,. It’s all cleared. So, we’re very, very happy. “Dealing with cancer is a struggle from day one, and I’m really thankful that there’s such a thing as stem cell na naging solusyon sa recovery ni Liezl." EXTENSIVE RESEARCH. Ayon kay Albert ay pinag-aralan niya ang lahat ng puwedeng maging solusyon sa sakit ng asawa. Pero sa huli, ang stem cell pa rin ang naging solusyon. “Marami akong pinagdaanan kasi ni-research ko lahat yan. “Kailangang alamin mo kung ano ba ang mga dapat gawin. Lahat pinag-aralan natin… “And nag-end up talaga, na ang pinakamaganda is stem cell. “I took the risk, researched on the possibilities of doing it, availability niya. “And I found out it’s available in Hong Kong, in Singapore, and then in reality, available here in the Philippines. “Blessing in disguise. Available here in Medical City and I met a doctor who opened my eyes and enlightened me about stem cell. "And tanggap ko siya and I’m very happy I did." DIFFICULTIES. Aminado ang aktor na mabigat at talagang mahirap ang pinagdaanan ng kanilang pamilya. Pero para kay Albert, nagpatatag at nagpatibay naman ito ng pagsasama nilang mag-asawa at ng kanyang pamilya. “For twenty-seven years of being husband and wife... So, it made us stronger. “It’s really painful to deal with the possibility of losing someone you love so much. But then again, we didn’t allow it to control us. “Up to the last minute talaga, I was telling Liezl and our family, ‘Di tayo papatalo dito. Kailangang talunin natin ito.’ “Family support is really important and yun ang nakatulong sa amin to be strong and not to lose hope, maka-recover kami faster. “It’s not easy na miyembro ng pamilya mo, magkaganito. Kumbaga, all of us went through a lot—my kids, myself, Liezl—all of us. “We’re thankful to God, at least we’re almost done… We’re over with this struggle." - Melba R. Llanera, PEP