ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lorna Tolentino, inaming ninerbiyos sa kissing scene nila ni Dingdong Dantes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa bagong primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali ay dalawa ang leading ladies ni Dingdong Dantes—ang young actress na si Max Collins at ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino. Gumaganap bilang mag-ina sina Lorna at Max sa teleserye at magkakagusto sila pareho sa karakter ni Dingdong. Dahil may love angle ang mga karakter na ginagampanan nila, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna, 50, kung may “kilig" ba ang pakikipagtambal niya kay Dingdong, 32. “Walang kilig... ayaw ni Marian ng ganyan! Professional ito, trabaho ito!" ang tumatawang sabi ng aktres patungkol sa kasintahan ng aktor na si Marian Rivera. Hindi ba siya natatakot na baka “awayin" siya ng mga fans ni Marian? Sagot ni Lorna, “Hindi naman. Professional, walang personalan, trabaho talaga. “Ang isipin na lang nila, 'pag senior star ka, na ang unang-una niyan, yung pagmamahal mo sa craft. “Yung papaano ka magiging truthful sa profession mo—dun sa trabaho, hindi sa personal." Wala raw ilangan na naganap sa pagitan nila ni Dingdong. “Siyempre, yung mga ganyan, hindi mo naman mararamdaman pag andiyan na yung trabaho. “Hindi naman ‘yan landian talaga, e. “Kung landian ‘yan, mararamdaman mo. E, hindi naman landian ito, di ba?" sabi ng biyudang aktres. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa presscon ng Pahiram Ng Sandali, noong November 20, sa Cocoon Boutique Hotel sa Timog Avenue, Quezon City. KISSING SCENE. Kaabang-abang ang kissing scene nina Lorna at Dingdong sa isang eksena ng Pahiram Ng Sandali. Obserbasyon ng ilan, very passionate at mukha raw itong totoo. Pero sabi ng aktres, “Ang daming tao dun, ‘no! "At, dyusko naman, ang kamera, lahat andiyan so talagang… lasing pa ako kunwari nun di ba, so wala, wala." Inamin ni Lorna na ninerbiyos siya habang kinukunan ang eksenang halikan nila ni Dingdong sa tabing-dagat. “Ninerbiyos ako, pero I make use of my nervousness, ginagamit ko yun para maging mas mahusay. “Kailangan meron akong konti nun, e, para maging mahusay yung performance mo. “Maibubuwelta mo doon yung tensiyon mo. “Mabubuwelta mo nang maayos at maganda.. parang workshop lang." Dati ba ay bawal siyang makipag-kissing scene? “Hindi naman… there was a time, nung bata pa yung mga bata [her two sons], talagang hindi ko… “Siyempre, tatanungin ka, ‘Ma, ba’t ganun?’ Di ba? “So, ayoko. Nung time na yun, sinabi ko, ‘Huwag na.’ “Pero nung wala na si Rudy at malalaki na naman ang mga anak ko, oo naman. “Parang limited na limited ka naman kung… di ba? “Gusto ko naman ma-explore din yung habang kaya ko pa, ma-explore din yung ibang roles na pupuwede." Si Rudy Fernandez ang yumaong asawa ni Lorna. Kumusta namang katrabaho si Dingdong? “Tama yung sinabi ni Daboy [palayaw ni Rudy] sa akin, kasi nagkasama sila sa Atlantika at all praises siya kay Dong nung time na yun. “And nung time… nung maysakit si Rudy, pumapasyal si Dingdong sa bahay. “Kaya talagang may ano kami, may bonding kami na alam mo yung respeto na sa… hindi lang sa pagkatao, pati sa propesyon," saad ni Lorna. - Rommel Gonzales, PEP