Ang multi-awarded na si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng
Pahiram Ng Sandali, ang bagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula nang mapanood sa Lunes, November 26. Ang
Pahiram Ng Sandali ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Max Collins, at Christopher de Leon. Sa mga nakasubaybay sa susunod na primetime series ni Dingdong sa Kapuso network, pagkatapos ng
My Beloved, hindi lingid sa kanila ang mga pinagdaanan ng seryeng gagawin nito. Naanunsiyo na noon na ang gagawing teleserye ng aktor ay ang
Haram, na tatalakay sana sa bawal na pag-iibigan ng sundalong Kristiyano at isang babaeng Muslim. Ngunit na-shelve ang proyekto dahil sa pagtutol ng ilang sektor. Si Direk Maryo rin sana ang magdidirek ng naturang proyekto. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) si Direk Maryo sa taping pa lamang ng
Pahiram Ng Sandali noong isang lingo, mukha naman itong masaya sa naging kapalit na proyekto. Sabi niya, “Hindi siya nakaka-stress, nakakapagod. It’s fun. “I’m enjoying it, I’m inspired. “Ang ano lang, kasi you have to do double time. “May pressure lang kasi may airing kayo. “But I like it, I like what I’m doing. “So, it doesn’t look like work. “Pero siyempre, physically, you get tired." Sa presscon naman ng
Pahiram Ng Sandali noong Martes, November 20, sinabi ni Direk Maryo na sa mga ganitong klaseng genre siya kumportable—complicated relationships. Kadalasan, kapag ganoon ang mood niya, maganda ang nagiging resulta ng proyektong ginagawa niya.
HARAM. Hindi naman itinanggi ni Direk Maryo na nadismaya siya nang ma-shelve ang
Haram. Pag-amin pa niya, dahil sa pagkaka-shelve ng
Haram, kinailangan niya munang umalis at “magpalamig." Kuwento niya, “No, I have schedule talaga to go to Bohol. “But after that, parang I realized, yung kanta ni Gary Valenciano, yung ‘Di Na Natuto.’ “Di ba kasi, noong gumagawa pa ako ng mga Regal Drama Presents o mga pelikula noong araw, merong nagsabi sa akin na, ‘Don’t touch any Muslim issue.’ “Tapos, may pelikula rin ako na gagawin na, supposedly, merong Muslim character. “Inano na rin ni Mother [Lily Monteverde] na, ‘Ay, naku, let’s not touch anything about Muslim because it’s going to be a quite controversial topic.’ “And then, ‘eto na naman—Haram. “That was already my mental baggage. “Nasa likod na ng utak ko yun na sabi ko, ewan ko, ‘Baka maulit na naman muli.’ “Tapos, ‘eto na naman, naulit na namang muli. “So, parang kumakanta na ako ng ‘di ka na natuto…’ “So, since then, I want to get out of that project." Tahasan nang sinasabi ni Direk Maryo na kahit daw gawing muli ng Kapuso network ang
Haram, hindi na niya ito ididirek pa. “Hindi ko na ita-touch. Kuha na kayo ng ibang director, I won’t do it." Ang creative team daw ng GMA-7 ang nakaisip na gawin ang
Haram. Sa parte naman ni Direk Maryo, marami na siyang na-research tungkol sa Muslim dahil na rin sa mga naging biyahe niya. “I came from Middle East. I came from Cairo, Syria, Doha, tapos nag-workshop pa ako sa Abu Dhabi. “Kumbaga, noong nasa Cairo ako, nag-judge ako dun ng festival, yung Cairo International Film Festival. And I’m one of the international judges. “Nakapagbasa pa ako ng mga Muslim articles and bought some books about Islam and women of Islam. “So, I felt ang ganda-ganda, cultural, di ba?"
DESTINY. Magkaiba naman daw ang
Haram at
Pahiram Ng Sandali kaya hindi ito maipagkukumpara ni Direk Maryo. Sabi niya, “Itong Pahiram, I feel na destiny ito. “Ito ang gagawin namin ngayon and, at the same time, it’s very in… timing. “At the same time, naghahanap ang mga tao ng mga topic na medyo adult, matured. “Yung mga about affair that we’ve been doing before—like
My Other Woman [1990],
Sinungaling Mong Puso [1992],
Pahiram Kahit Sandali [1998]… “Ang dami kong ginawang ganyan, hanggang sa
Paraiso ni Efren [1999]. Narinig ng PEP si Direk Maryo, habang kausap si Lorna Tolentino, at sinabi niyang yung ginagawa nila noon sa pelikula ay ginagawa na rin nila ngayon sa telebisyon. Paliwanag ni Direk Maryo, “Di ba, ginawa namin ‘yan noon, mga Dyosa? “Ang matsa-challenge siguro ngayon is for film to be done. What kind of films na we will be doing. “Kasi, what kind of films that we’ve been doing before are now translated in television. “Baka kailangan, kapag gumawa ka na ng pelikula ngayon, bago naman."
REUNION. Natutuwa rin si Direk Maryo na katrabaho niya rito sa
Pahiram Ng Sandali sina Lorna, Christopher de Leon, at Mark Gil. “Aba, sino ba naman ang hindi mae-excite sa casting na ‘yan? Napagsama-sama kaming lahat, di ba? “Sabi ko nga kay Brother Bo [Christopher] at saka kay Lorna, parang reunion namin. “Si Mark, e, di ba, ‘yan din ang kapanahunan ko noong gumagawa kami ng matitinding drama? “Si Boyet, nakailang pelikula na rin kami since
My Other Woman, Pahiram Ng Kahit Sandali. “Si Lorna, mula
Dyosa, Magnifico…"
DINGDONG DANTES. Unang beses naman daw niyang makakatrabaho si Dingdong Dantes sa isang teleserye. Pero ayon kay Direk Maryo, “Ang una namin, GMA Love Stories, introducing si Yul Servo at saka si Aubrey Miles. “Nagpunta kami ng Cebu, sumakay kami ng barko. “Gumawa kami ng isang episode ng GMA Love Stories at si Ciara Sotto ang partner niya. “So, kumbaga, mga bagets." Ano ang mga nakikita niyang pagbabago kay Dingdong sa muli nilang pagtatrabaho? “Seeing Dingdong now… kasi we had a professional workshop for
Haram. “Marami siyang ipinakita doon na hindi pa niya naipapakita at nagagawa sa mga telenovela at performance. “Mas matured, ang sarap kausap. “Ang sarap niyang idirek kasi he asks and we agree and we talk about the scene. “Nag-workshop siya so may vocabulary kaming ginagamit." --
Rose Garcia, PEP