ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rochelle Pangilinan signs contract with GMA-7 for the first time


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pumirma na ng three-year guaranteed contract sa GMA-7 ang dating Sexbomb Girl na si Rochelle Pangilinan. Pagbabalita ito ni Rochelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa rehearsal ng Party Pilipinas noong Sabado ng gabi sa Studio 7 ng GMA-7. "Pangkabuhayan showcase" ang magaang deskripsiyon ni Rochelle sa pagiging visible niya sa susunod na taon. “Two shows a year, pero hindi ko pa alam kung anu-anong mga shows yung ibibigay nila," pagbabalita niya. Wala pang inuumpisahang programa si Rochelle bilang bahagi ng kanyang kontratang pinirmahan. “Pero sabi sa akin, siguro raw mga first quarter of next year ako magkakaroon. Kasi yung iba, naumpisahan nang gawin. “Saka ngayong December pa lang nagkaroon ng effectivity yung contract ko," dugtong ng aktres na nagsimulang makilala sa telebisyon bilang isa sa nagdaramihang sexy dancers ng noontime show na Eat Bulaga!. GMA-7 CONTRACT. Pabor naman kay Rochelle kung wala pa siyang ginagawang serye o karagdagang show sa Kapuso Network maliban sa Party Pilipinas. Nitong nakaraang November lang siya pumirma, at first time sa buong career niya sa Kapuso Network na inalok siya ng kontrata. “Kasi ngayon, puro regional shows ako, as in! Actually, nasanay ako sa… masarap mag-regional. “Kung saan-saan ako nakakarating, tapos sandali lang yung trabaho, tapos okey yung talent fee. “Actually, tinatanong nga nila ako kung ano…Kasi, after Broken Vow, hindi na ako nagkaroon ng show. “Tinatanong nga nila ako kung bakit hindi ako nagtatanong kay Perry [Lansigan, manager niya] kung, ‘Ano’ng show mo?’ “Sagot ko, ‘E, nag-e-enjoy ako, e. Saka quota naman, e,’" na ang ibig niyang sabihin ay kumikita siya nang sapat. “So, why not, di ba?" “E, parang ganoon rin naman sa taping, e. Saka nag-e-enjoy talaga ako sa pagso-show nang live sa mga tao. “Makikita mo agad yung reaksyon noong mga tao na natutuwa sila… “Ramdam mo yung init ng pagtanggap nila sa iyo. Matutuwa ka, e," kuwento pa niya. Aminado namang natuwa si Rochelle sa pagtitiwala sa kanya ng GMA-7. “Natuwa ako, kasi may work na…yung hindi ka na maghahanap ng work. “Kasi after ng Daisy Siete, nasanay kasi ako na dire-diretso yung season. “'Tapos…ngayon pala, pag natengga ka—matagal kang walang show—tengga ka talaga. “So, maghihintay ka talaga ng show kung kailan ka magkakaroon." Ibig sabihin, hindi siya nawawalan ng raket o pinagkakakitaan? “Oo, happy ako, kasi natuto akong mag-show sa stage—natuto akong magkaroon ng kapal ng mukha. “Paano kung hindi ako marunong? Pag-aartista lang ang trabaho ko. “So, wala. Parang matetengga talaga 'ko, wala akong work—wala akong ibang pinagkakakitaan. “So, meaning, okey ako financially. Okey talaga ako," pagsisiguro niya. SEXBOMB FRIENDS. Tungkol naman sa iba niyang mga kasamahan sa Sexbomb, tinanong namin si Rochelle kung nakikita pa ba niya ang mga ito ng personal? “Ay, oo. Nakakausap ko sila. Ahm…gaya noong nangyari kay Jholan [Velus na girlfriend ni Edgar Allan Guzman]," pag-alala niya. “Nagtanong ako kung ano ang nangyari sa kanya. Di ba, nabangga yung kotse niya? “Okey naman siya. Sabi ko nga, kung may problema, huwag lang financial, e, nandito lang ako," sabay ngiti ni Rochelle. Maliban sa mga paminsan-minsang pangangamusta, wala nang iba pang panahon para magkaroon sila ng tsikahan ng ibang dating ka-member. “Wala. Kasi ang nakasama ko lang naman noon, si Johlan, si Sunshine [Garcia], si Mia [Pangyarihan], at si Aira [Bermudez]. “Sila lang talaga yung nakakasama ko. Actually, kahit noon pa, kami-kami yung mga nagkakasama." -- Rey Pumaloy, PEP