ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cristine Reyes, gustong tuldukan ang hidwaan sa kapatid na si Ara Mina


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matagal na rin mula nang magsimula ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid na sina Cristine Reyes at Ara Mina. Kaya naman gusto ni Cristine matuldukan na ang hidwaan niya sa nakatatandang kapatid. Ayon sa ulat ni Arniel  C. Serato ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), sinabi ng aktres na bagama't hindi sila malapit sa isa't isa ng kanyang kapatid, ayaw na raw nitong tumagal pa ang kanilang hindi pagkakaintindihan. Ani Cristine, “Well, siyempre pag ako ang tatanungin niyo mas gusto kong magkaayos kami, kasi anuman ang mangyari kahit hindi man kami ganun ka close ni Ate, magkadugo pa rin kami.” Samantala, nilinaw din ng aktres ang mga bali-balitang hindi lamang si Ara, kung hindi kaalitan niya rin maging ang isa pa nitong kapatid. Gayundin, gusto raw nitong hindi na ipaalam sa marami ang kanilang mga problema sa pamilya. “Kasi as much as possible, gusto ko sana yung problem ng pamilya sa amin na lang, yun lang naman yung gusto kong mangyari... hindi na dapat natin i-publicize, di ba," wika nito. Bagama't pursigido ang aktres na maayos ang problema sa kapatid, tila napapagod na rin daw siya sa panunuyo. “Matagal na akong nagi-insist na magkabati kami na pumunta ako sa house niya pero kung sa mga nangyayari sa ngayon na every move I make, masama... Pag di ako mag-move, masama pa rin ako... so hindi ako makagagalaw," saad nito, Dagdag pa ng aktres, “Sana hindi siya magi-expect ng anything from me kasi lahat na lang ng ginagawa ko, parang pinapa-diyario... Parang... nire-report tapos sasabihin nila na hindi daw sa kanila galing yun, so parang ako anong gagawin ko? "Kasi ako direkta ako sa family ko, hindi ako dumidirekta sa media.” Gayunpaman, nais din ng aktres na magkaayos sila bago pa man ikasal si Ara sa kanyang boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses. “I’m happy for her, and sana bago siya ikasal magkaayos kami para andun ako sa wedding niya,” pahayag ni Cristine. “Di ba kasi, ang sad, e... like nung wedding last year nung sister ko wala siya kasi hindi kami okay. Yung parang ako naman willing naman ako na maging okay kami for the sake of the family,” dagdag nito. Patuloy pa nito, naaawa na raw si Cristine sa kanyang pamilya, kaya knug hindi man sila magkasundo dalawa, maging "civil" na lang sila sa isa't isa. Wika ng aktres, "Kahit hindi niya ako gusto maging okay, sana maging civil man lang kami, di ba? Di ba? Para namang naawa na ako sa family ko, e. “Ako naman, sabi ko naman sa kanila, okay lang ako... willing talaga ako kahit civil lang, kahit hindi niya ako kayang sikmurain, alam mo yun?... masikmura, makita... basta okay kami, sana man lang.” — Mac Macapendeg/BM, GMA News