ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sunshine Cruz, desididong hiwalayan si Cesar Montano?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi pa rin daw handa aktres na si Sunshine Cruz na makipag-ayos sa kanyang mister na si Cesar Montano. Kaugnay ito sa pagkakaugnay ng aktor sa baguhang aktres na si Krista Miller na kasama niya ngayon sa pelikula. Sa ulat ni Arniel Serato na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, sinabing inamin ni Cear sa presscon ng kanyang pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story nitong Martes, na inaayos na niya gusot nila ng kanyang misis na si Sunshine. Mahal umano ng aktor ang kanyang pamilya kaya hindi raw siya gagawa ng bagay na ikasisira nito. Pero si Cesar din mismo ang umamin na tila desidido pa rin ang kanyang misis na magkaroon muna sila ng “space." Sa hiwalay na panayam naman kay Sunshine, sinabi umano ng aktres na naghahanap ito ng bahay na tutuluyan nila ng kanyang tatlong anak. Kinumpirma rin ni Sunshine na nag-uusap na ang kanilang mga abogado pero hindi niya sinabi kung ano ang tinatalakay sa bagay na ito. Pero iginiit ng aktres na hindi materyal na bagay ang habol niya at hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng problema ni Cesar. Mas makabubuti umano na magkahiwalay muna silang mag-asawa at nais daw ni Sunshine na mapagtuunan niya ng pansin ang mga anak nila ni Cesar na pawang babae. “This is not the first time. Alam naman nating lahat ‘yan," aniya. “Hindi ko alam what will happen next. But for the now, that is what I want to do." Noong nakaraang buwan ay naglabas ng mga mensahe sa kanyang Twitter account si Sunshine na patama kay Krista. Bagaman wala namang direktang sagot ang baguhang aktres, sa pamamagitan din ng kanyang Twitter ay nagpahiwatig ito na walang katotohanan ang akusasyon sa kanya. - PEP, GMA News