ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Keempee de Leon portrays PEP reporter's life story in Magpakailanman


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayon araw, March 8, ang simula ng two-day taping ni Keempee de Leon para sa isang episode ng Magpakailanman. Ipalalabas ito sa March 16 sa GMA-7. Dito ay muli siyang sasabak siya sa pagpu-portray ng gay role na ilang beses na niyang nagampanan. “Yun nga, I’ll be portraying the role of a movie reporter. Ito yung ‘The Ruben Marasigan Story’ episode ng Magpakailanman. “At ikaw ‘yon!” natatawang pagtukoy ni Keempee sa writer na ito. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Keempee sa Eat Bulaga! nitong Huwebes, March 7. Patuloy ng actor-TV host, “Ako naman, wala namang masamang tinapay sa akin, e. ‘Yan, e, trabaho natin. “Matagal na rin akong hindi nagti-taping for a drama anthology na gaya ng Magpakailanman. “Kumbaga, first drama ko ito for this year. “And… maganda. Maganda yung story. Uhm… mabigat! Mabigat.” SERIOUS GAY ROLE. Ang sinasabi ni Keempee na "mabigat" ay ang kuwento ng isang gay na natagpuan ang matagal nang hinahanap na pagmamahal sa isang batang kanyang inampon mula pagkapanganak. Pero nang tumuntong ng seven years old ang bata ay binawi ito ng ina para lang pala dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso ang bata. Sabi ni Keempee, “Pinakahuli kong pag-portray ng gay role, recently lang nang mag-gues ako sa Toda Max." Ang tinutukoy niya ay ang sitcom sa ABS-CBN kung saan pangunahing tampok sina Robin Padilla, Angel Locsin, at Vhong Navarro. “Pero yung seryosong gay role na drama kaparis nitong sa Magpakailanman, pangalawa ko pa lang. “Una ay yung sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya dati. “Ito yug magkasama kami ni Mane [Manilyn Reynes]. Na gay ako, tomboy siya, tapos nagka-inlaban kami. “Second serious gay role ko itong sa Magpakailanman.” Pero nakasanayan na ng viewers na mapanood siya sa gay roles na comedy, gaya ng sa Bahay Mo Ba ‘To sa GMA-7 at sa Iskul Bukol ng TV5. Sabi ni Keempee, “Yun na nga, e. Pero itong sa Magpakailanman, drama naman. “So medyo minimal yung comedy dito, e. Very, very light yung comedy. “Pero more on the drama side talaga.” Ano ang naging reaksiyon niya nang ialok sa kanya ang episode na ito ng Magpakailanman? Kuwento ni Keempee, “Last week in-offer. Tapos nung sinabi na Ruben, ‘Kilala ko ‘to, a! Ano kaya ang istorya?’ “Tapos pinadala ang script, kakarating lang kanina. “So pinag-aralan ko kaagad ang script. Binasa ko kaagad. “Kumbaga, vinisualize [visualized] ko na, e, kung ano yung mangyayari. Gano’n. “Maganda!” Wala siya ni katiting na hestitation at first na tipong gay role na naman? “Hindi naman. Sabi ko, matagal na rin naman akong hindi nakakapag-drama. “So might as well i-take advantage ko na rin. Kasi sayang naman.” PLAYING ANOTHER GAY ROLE. Sanay na siyang gumanap ng gay roles. May preparation pa ba kapag ganitong papel ang kanyang ipu-portray? Sagot ni Keempee, “Actually, ang dapat, pag-aaralan mo talaga yung character ng taong ipu-portray mo. “Yun nga, reporter na sa pagkakakilala ko naman sa ‘yo, hindi ka naman loud. “At iyon na rin kaagad ang na-visualize ko when I read the script, e. “Na hindi naman nga ganun ka-loud yung character. “Serious side na mapagmahal sa anak, na mabait sa pamilya… gano’n. “So, dun ako maglalaro. Kasi medyo mellow naman yung pagkatao ng character, e. “Yun nga, yung situation na medyo mabibigat.” May iba na ang impression ay mas madali para sa kanya na mag-comedy, lalo na kung gay ang papel niya. Totoo ba ito? “Well, ako naman, I guess I’ve proven myself sa drama before. “Dahil nag-Villa Quintana naman ako dati. May mga soap na rin akong ginawa dati. “May mga heavy scenes na rin akong nagawa noon. “Pero sa ngayon, for ilang years kasi, na puro comedy yung ginawa ko, e. “So when I was offered ito ngang Magpakailanman, grinab ko na rin. “Kasi nung binasa ko nga yung script, nakita ko kaagad na seryoso yung ano nung character… at mabigat ang mga sitwasyon. “Maganda… magandang example. “Plus siyempre, may puso, e. Iyon ang importante. “Ako, I go for the story kasi.” -- Ruben Marasigan, PEP