ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards willing to do kissing scene with his idol John Lloyd Cruz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kung mayroon man daw isang artistang lalaki na papayag si Alden Richards makipag-kissing scene, ito ay walang iba kundi si John Lloyd Cruz. Sa presscon ng bago niyang primetime series na Mundo Mo’y Akin noong March 12, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden kung sinong artista ang gustung-gusto niyang makatrabaho. “John Lloyd Cruz po! Kasi idol ko po siya, e,” mabilis na sagot ng Kapuso heartthrob. Anong klaseng role ang gusto niyang gampanan nila ni John Lloyd? “Mag-kuya po, magkapatid sana,” sagot ni Alden, na may pagkakahawig nga sa Kapamilya actor. Paano kung ang proyektong pagsasamahan nila ni John Lloyd ay tulad ng pelikula nitong In My Life (2009), kung saan gumanap ang award-winning actor bilang gay lover ni Luis Manzano? “Okay lang din po!” bulalas ni Alden. Kahit gaganap silang bading pareho ni John Lloyd at lovers sila sa kuwento? “Opo, okay lang. Basta maganda po yung story and hindi naman po kababoy-baboy.” Papayag din siya kung sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni John Lloyd? “Okay lang din po,” sagot ni Alden. Paliwanag pa niya, “Acting lang naman po, as an actor lang naman po. “Kasi pag trabaho naman at challenging po, at the same time basta maganda po yung script and then yung talagang for the sake of the story.” Para kay Alden, iyon na ang magiging pinaka mapanghamong papel niya kung sakali. “Iyon po siguro.” Itotodo raw niya rito ang kaalaman niya sa pag-arte. “Itotodo ko po, mag-aaral po talaga akong mabuti sa acting pag si Bossing JLC na ang makakatrabaho ko.” Ipahiram kaya siya ng GMA-7 sa Star Cinema, na siyang home movie studio ni John Lloyd? “Sana po,” sambit ni Alden. Hindi pa raw niya nami-meet nang personal si John Lloyd. ANNE CURTIS. Sa babae naman, ang artistang gusto raw makatrabaho ni Alden ay si Anne Curtis. At kung sakaling isang napaka-daring na pelikula ang magiging project nila ni Anne, papayag din daw si Alden. “Opo naman.” Paano kung may love scene siya with Anne? “Tatanggi pa ba ako?” ang tumatawang sabi ni Alden. Dagdag niya, “Magdyi-gym po talaga ako nang magdyi-gym para mapaghandaan ko yung role.” Kung sakali raw may butt exposure siya sa eksena nila ni Anne ay papayag din si Alden.  “Ano po bang hindi puwedeng… for a project with Anne, for me there’s no limits! “Siyempre po, nasa producers naman po yun and the director on how  to deal with those scenes.” -- Rommel Gonzales, PEP