ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Binibining Pilipinas candidate, na-disqualify dahil sa pag-pose sa isang men's magazine
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Na-disqualify mula sa official 50 candidates ng 2013 Binibining Pilipinas si Theresa Fenger (No. 35) dahil nilabag daw nito ang isa sa strict rule ng naturang beauty pageant—ang pag-pose sa isang men’s magazine. Nalaman ng organizers ng Binibining Pilipinas na nagkaroon ng isang sexy pictorial si Theresa sa isang issue ng FHM magazine noong 2010. Pinalitan si Theresa ni KC Gonzales Cajandig bilang bagong candidate No. 35. Si Theresa ay isang model-singer at nanalo sa Century Tuna Superbods noong 2009. Gamit noon ni Theresa ang screen name na Lana Roi at kabilang din siya sa all-girl singing group na Eurasia. Sa pictorial ni Theresa sa FHM, kasama niya ang ibang miyembro ng Eurasia at suot nila ay pink and black lingerie. Balitang boluntaryong nag-backout si Theresa nang makarating sa kanya na idi-disqualify siya dahil sa pictorial niya for FHM. Kahit na nakapag-participate na siya sa ilang pre-pageant activities ay nag-backout pa rin siya. Ipinagbabawal ng Binibining Pilipinas ang pagtanggap ng mga kandidata na nag-pose nang sexy at lumabas na sa men’s magazines. Hindi si Theresa ang kauna-unahang na-disqualify dahil sa ruling na ito. Na-disqualify noong 2009 ang model-TV host na si Sandra Seifert dahil sa pag-pose niya suot ang isang swimwear sa FHM. Ang sexy actress na si Juliana Palermo ay na-disqualify naman noong 2004 sa screening pa lang ng Binibining Pilipinas dahil bukod sa nag-pose siya sa FHM, nagkaroon pa siya ng breast exposure sa pelikulang www.XXX.com. Ang ilan pang models na na-disqualify sa Binibining Pilipinas ay sina Joey Mead, noong 2001 dahil overage na raw ito; Grendel Alvarado ay Jenilyn Olivar, noong 2011 dahil sa pagsali sa Philippines’ Next Top Model. Marami ang excited sa batch ng Binibining Pilipinas candidates this year dahil bukod sa mga modelo ay nahaluan pa ito ng mga artista. Kabilang sa mga kandidata ang dating ABS-CBN talent na si Pia Romero (Pia Wurtzbach, No. 15); ang StarStruck 3 Avenger na si Rhea Nakpil (No. 43); at ang dating hosts ng Wil Time Bigtime na sina Cindy Miranda (No. 16) at Imelda Schweighart (No. 45). Kasama rin bilang official candidate ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Maria Angelica “Mariel” de Leon (No. 31). Gaganapin ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2013 sa Smart Araneta Coliseum sa April 14. Ang mga koronang paglalabanan ay Bb. Pilipinas-Universe, Bb. Pilipinas-International, at Bb. Pilipinas-Tourism. -- Ruel J. Mendoza, PEP Tags: binibiningpilipinas, beautypageant
More Videos
Most Popular