ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Lovi Poe felt violated after shooting love scene in 'The Bride and the Lover'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Lovi Poe noong Sabado, April 13, sa Imperial Palace Suites, Quezon City para sa mini-presscon ng The Bride and the Lover.
Dito ay ikinuwento ng Kapuso actress kung bakit siya napaiyak sa isang love scene sa naturang pelikula. Aniya, naramdaman niya raw na na-violate siya sa eksenang iyon.
“Usually kasi when making a love scene, puwede kang mandaya sa mga movements mo because you're not making out with the person.
“Dito kasi, si direk was telling me what to do. May word siyang ginagamit na hindi ko nakayanan, parang ganun,” panimulang bungad ni Lovi.
Si Joel Lamangan ang direktor ng pelikula. Dahil sa kanyang dekalibreng pamamaraan ng pagdirihe at mataas na expectations para sa makatotohanang mga eksena mula sa kanyang mga artista, kilala ito bilang "terror" na direktor.
Sa nasabing eksena ay umaarteng liberated woman si Lovi, at sine-seduce niya ang isang lalaking ginagampanan ni Ahron Villena.
Pagpapatuloy ni Lovi, “I cried kasi si direk was saying something, this word... it's a sexual word, and I had a hard time talaga.
“After nag-cut si direk, bigla akong gumanon kay Ahron, tapos pumunta ako sa gilid and I was just crying.”
Na-shock din umano si Lovi nang makita niya ang eksenang kinunan nila.
“I just can't believe nung nangyari yun, and nung pinanood ko yung rushes, napapatayo talaga ako lagi at talagang... 'delete, delete.' May isang shot kasi talaga na... oh my God!” sabi niya.
Gayunpaman, hindi niya sinisisi ang direktor sa nangyaring ito.
“No, not at all. Kasi kailangan naman talaga sa eksena. At least it helped me. Kasi kailangan yung emotion ko nandun. Nilabas ko talaga,” pagpapasalamat niya.
ON RONALD SINGSON. Nabanggit din ni Lovi na kahit intense ang love scenes na ginawa niya para sa pelikula ay wala siyang kailangang alalahanin, dahil single naman siya.
Kuwento niya, “A lot of good things have been happening to me, so ako, I want to focus sa trabaho talaga. Na-realize ko na I can see the difference kapag wala muna akong iniisip.”
Gayunapaman, tanggap naman daw ni Lovi na lagi't laging mali-link sa kanya ang dating boyfriend na si Ronald Singson.
“Tanggap ko naman yun, e. Magkaibigan naman kami so hindi naman problema sa akin yun,” pag-amin niya.
Isang producer ang dating pulitiko, kaya naman naitanong kay Lovi kung payag ba siyang umarte sa isang project kung sakaling mag-produce ito at kunin siya bilang artista.
“I don't know, mahirap sagutin 'yan. I don't think it's going to happen anyway,” saad ni Lovi.
Pahayag pa niya, mukha raw kasing magiging awkward sa kanya kung tanggapin niya ang magiging offer. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang mararamdaman niya.
“Siguro, medyo awkward sa akin. Kasi parang... I don't know,” ang may pag-aalinlangan niya sagot.
TV5 TRANSFER. Naitanong din sa Kapuso actress ang napapabalitang paglipat niya sa TV5. Dito ay pilit iniwasan ni Lovi ang pagsagot.
“I can't answer questions about that kasi I don't think I'm in a position to say anything,” pahayag niya.
Saad ni Lovi, wala pang tiyak na oras kung kailan niya maihahayag ang magiging desisyon.
“Wala pang exact ano... pero malapit. Coming soon,” makahulugan niyang pangwakas. — Mark Angelo Ching, PEP.ph
Tags: lovipoe, thebrideandthelover
More Videos
Most Popular