ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sam Pinto on FHM Sexiest Women competition this year: 'Whoever wins, I’m still happy kasi twice na ako'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Apat ang tumatayong leading ladies sa pelikulang Raketeros—sina Regine Angeles, RR Enriquez, Wendy Valdez, at Sam Pinto. Nang dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa last shooting day ng Rakateros last April 11, sa isang warehouse sa Novaliches, sinabi ng isa sa leading ladies ng movie na si Sam na bukod sa pagpapa-sexy, hindi rin siya nagpahuli sa pagko-komedya dito. Kuwento niya, “I play Summer, ako naman yung parang babae ni Kuya Ogie Alcasid. “Of course, buong movie naman comedy ito, e. “At least the good thing naman, partner ko si Kuya Ogie and I know him na. “He’s the one who told me to accept this, so of course I’m very honored. “Siya pa po ang nagtanong sa akin, sabi ko… yes talaga agad ako.” Magkasama rin sina Sam at Ogie sa gag show ng GMA-7 na Bubble Gang. Ang nakakatuwa pa raw dito, iisa lang ang kanilang outfit sa buong istorya. Sumesentro raw kasi ito sa pag-attend sa isang debut at along the way ay marami nang mangyayaring mga nakatutuwang eksena hanggang sa makarating sila sa venue. Aniya, “Apat kaming leading lady dito kasi lahat ng eksena, lahat kami andun kami lagi. “Kaming apat po sexy, kasi iisa lang din ang outfit namin sa buong movie.” SAD FOR CESAR AND SUNSHINE SPLIT. Pagdating naman sa lovelife, single pa rin daw si Sam hanggang ngayon. Matatandaang na-link siya dati kina Derek Ramsay at Aljur Abrenica pero ito ay may kaugnayan lang sa trabaho at commercials na kanilang ginawa. Bakit kaya single pa siya hanggang ngayon? Tugon ni Sam, “Oo nga, e… I don’t know, parang hindi dumadating yung right guy.” Nakasama ni Sam dati si Cesar Montano sa pelikulang Hitman. Na-link din ba sila siya habang ginagawa nila ang pelikula? Sabi ni Sam, “Na-link ng kaunti pero wala namang nangyari talaga.” Pero niligawan nga ba siya ni Cesar? “No, not at all,” mabilis na pagtanggi ni Sam. Dagdag niya, “I think the whole time kasi andun nanay ko, so alam naman niya siguro na wala talaga.” Ano ang masasabi niya na hiwalay na ang dati niyang leading man at ang asawa nitong si Sunshine Cruz? Sabi ni Sam, “You know, when we were shooting the movie, na-starstruck ata ako sa kanya [Sunshine]—sobrang sexy niya, sobrang ganda niya. “Now that ‘yan yung nangyari sa kanila, it’s very sad. “I mean, they were really the perfect couple but I guess…stuff happens.” THE ROAD TO FHM SEXIEST. Dalawang beses nang naging FHM Sexiest Woman si Sam—2011 and 2012. Pero marami rin ang bumatikos sa dalawang magkasunod na pagiging number one niya. Ilan nga rito ay nagsasabing bumili raw ng mga boto si Sam para lamang maging number one. This year, isa sa strongest contender sa titulo ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na sa wakas ay pumayag nang mag-cover sa FHM. Paano pinaghahandaan ni Sam ang kumpetisyon this year? Sagot niya, “Alam mo, hindi ko alam, kasi yung mga fans ko ang nag-uusap. Sila ang nag-aayos ng lahat. “I don’t know what they’re doing. I’m here to support them on what they wanna do. “And of course, kung ano man ang mangyari, whoever wins, I’m still happy kasi twice na ako. “Alam ko naman na andaming fans ni Marian and, of course, she is very beautiful, so we’ll see what happens this year.” -- Arniel C. Serato, PEP More Videos
Most Popular