Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pinoy actor-host looks like Angelina Jolie -- PEP


Maraming mga kaibigan, kakilala, Facebook friends, at Instagram followers ang nagulat sa mga larawang in-upload ni Paolo Ballesteros nung June 2 at 4 sa kanyang Instagram account. Hawig na hawig kasi ng Hollywood star na si Angelina Jolie si Paolo sa mga larawang na-upload. (UPDATED) Ayon kay Paolo nang tanungin ng PEParazzi, siya lang daw ang nag-makeup sa sarili para makuha ang ganitong look. Aniya, nang tanungin kung sino ang nag-makeup sa kanya: "Ako lang. Tinry ko lng napanood ko sa YouTube. Try-try din ng iba pang characters pag may time." Pero sabi ni Paolo, hindi naman daw siya lagi ang nagme-makeup sa sarili niya kapag hinilingan siyang magmukhang babae sa Eat Bulaga, "No. May makeup artist ako si Gerald Menorias. Kaibigan ko yun kaya kung ano yung gusto ko, nagagawa nya. Tulong kame." (UPDATE 2) Sinagot din ni Paolo ang tanong sa mga nagdududa sa kanyang pagkalalaki dahil nga sa pagsusuot niya ng mga pambabaeng kasuotan at pagme-makeup. Mag-a-out na nga ba si Paolo?
"Wala naman kasing i-a-out. "Pinractice ko lang yung kamay ko kase matagal na 'kong di nagdo-drawing," sagot ni Paolo. Mahilig daw kasi si Paolo mag-drawing at ginagawa niyang bagong outlet ng kanyang creativity ang pagme-makeup. Ano naman ang mensahe niya sa mga nag-iisip na bading nga siya? "Gow lang. may kanya-kanya naman tayong pag-iisip," sagot ni Paolo. Since tungkol na rin sa pag-a-out ang usapan, tinanong na rin ng PEParazzi si Paolo kung ano ang masasabi niya sa paglabas na ni Charice ng tunay niyang katauhan recently. "I'm happy for her. Kung saan siya masaya dapat suportahan natin siya. "And sa ibang tao naman, hindi porke't nag-out si Ganito, kelangan dapat mag-out na rin si Ganyan. "I think it's a very personal decision that no one, not even a situation or circumstance can dictate but yourself." Ano ang masasabi nyo sa look na ito ni Paolo? -- PEP.Ph (photos shared via Instagram)