ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
BB Gandanghari reveals male celebrity crushes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Kasabay ng pagtatapat na nakararamdam siya ng pagiging lonely dahil sa pagiging single for 15 years, inihayag ni BB Gandanghari ang tipo ng hinahangaan niyang lalaki. Kabilang dito ang isang Kapuso actor at isang Filipino-Canadian supermodel. Sa artikulong isinulat ni Glenn Regondola sa Philippine Entertainment Portal nitong Huwebes, ikinuwento ni BB ang pag-uusap nila ng kanyang ina na si Mommy Eva Cariño-Padilla kung saan inamin niya na nakararamdam siya ng lonelyness dahil sa pagiging single for 15 years. Kung bakit umabot ng ganuong katagal ng kanyang pagiging single, sinabi ni BB na maituturing "bata" pa siya dahil four year ago pa lang naman nang ilantad niya ang tunay na pagkatao mula sa dating si Rustom Padilla. "Kailan lang naman ba lumantad si BB? Four years ago," aniya. “So, ngayon pa lang ako nag-e-explore. Kinikilala ko pa rin lang ang sarili ko kaya hindi pa ako nakikipag-date." Pero ngayong natanggap na siya ng kanyang buong pamilya, maging ni Robin Padilla, biro ni BB, itotodo na niya ang pagbo-boyfriend. Pero ano nga ba ang tipo ng lalaking hinahanap at hinangaan niya sa lalaki? "Ang gusto ko kasi ay athletic type. Ayoko yung sobrang laki ng katawan," paliwanag niya. Kabilang sa tinukoy ni BB na crush niya ay ang Kapuso actor at My Husband's Lover star star na si Dennis Trillo. Kasama rin sa "type na type" ni BB ay ang Filipino-Canadian supermodel na si Paolo Roldan. “Hindi siya gaano kaguwapo, actually. Basta, siya,” ayon kay BB. -- FRJ, GMA News Tags: bbgandanghari
More Videos
Most Popular