ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebrity friends remember Comedy King Dolphy on his birthday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
(Zsa Zsa Padilla on Thursday comes face to face with the puppet version of her late husband Dolphy at the Museo Pambata in Manila on the occasion of the late comedian's 85th birthday. ) Kung hindi pumanaw si Comedy King Dolphy noong nakaraang taon, ipinagdiriwang sana niya ngayon, July 25, ang kanyang ika-85 na kaarawan. Pero kahit lumisan na, may ilan pa ring kilalang personalidad ang inalala ang kaarawan ng batikang komedyante ng bansa na pumanaw dahil sa sakit noong July 10, 2012. Kabilang na rito si Eugene Domingo na nag-post sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan kasama si Dolphy sa isang trip noon sa Hong Kong. Sa caption, sinabi ng award-winning comedienne, “I will always be THANKFUL & HONORED to have spent this wonderful time with a great artist such as Dolphy !” Ang actor-director naman na si Albert Martinez ay nag-post ng isang stolen shot nila ni Dolphy sa set ng pelikulang idinerehe niya, ang Rosario. Ang character ni Dolphy ang pangunahing bida sa pelikulang ito, na isa sa mga kalahok sa 2010 Metro Manila Film Festival. Isang lumang larawan naman ng John en Marsha ang na-post ni RockEd Phillipines founder Gang Badoy sa Instagram bilang pag-alala kay Dolphy. Aniya, “Birthday ni Dolphy today! Sad ako na wala na siya, pero proud and happy that I grew up in his *TV* household with Marsha!” Samantala, ibinahagi naman ng talent manager na si Noel Ferrer ang simpleng aral na kanyang natutunan mula kay Dolphy. Sa kanyang Instagram account, nag-post siya ng larawan ni Dolphy na may caption ng nabanggit na aral, “Noel, tama na ang hiling. Magpasalamat na lang tayo! Ang bait ng Diyos sa atin.” Kasabay ng paggunita ng kanyang kaarawan, isang monumento ni Dolphy naman ang itinayo sa harap ng Museo Pambata sa Manila. Pinangunahan ng longtime partner ni Dolphy na si Zsa Zsa ang mga dumalo sa blessing ng nasabing monumento. - PEP.Ph  
Tags: dolphy