advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baron Geisler, umaasang makakatrabaho muli si Cherry Pie Picache


Nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza Martes ng gabi, July 30, sa kanyang malawak na hardin sa Chantilly Villas, Mandaluyong City. Masayang-masaya si Direk Dante sa pagdating ng marami niyang mga kaibigan sa industriya, including foreign friends na nakilala niya sa mga filmfests abroad. Naroon din ang mga staff ng kanyang indie film outfit, Centerstage Productions; mga kapwa indie film directors; mga taga-media, at mga artistang naging bahagi ng kanyang renowned profession. Hindi lamang direktor si Brillante. Nagsimula siya—at nagpapatuloy pa rin—bilang production designer para sa pelikula at commercial advertisement, at naging producer ng mga premyadong indie films. Naroon din sa party ang apat na miyembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, sa pangunguna ng National Artist Dr. Bienvenido Lumbera, UP College of Mass Communication Dean Roland Tolentino, Dr. Nicanor G. Tiongson, at reviewer-critic Mario Hernando ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).  Nakisaya rin sa kaarawan sina Meryll Soriano, Dennis Trillo, at Baron Geisler, ang ilan sa mga artista ng bagong pelikulang prinodyus at dinirek ni Brillante Mendoza—ang Sapi, isang horror-suspense-drama. Kasama ni Dennis ang kanyang manager na si Popoy Caritativo, at si Baron naman ay dumating with his non-showbiz girlfriend. ENDING STRIFE. Maituturing na masayang pangyayari ang pagkikita nina Baron at aktres na si Cherry Pie Picache, matapos ang nangyaring kontrobersiya sa kanilang dalawa two years ago. Kasamang dumalo ni Cherry Pie ang kanyang long-time manager na si Edgar Instrella. Matatandaang nagkatampuhan din noon sina Direk Dante at Cherry Pie, pero malaon na ring nagkaayos. Basahin: Baron Geisler to Cherry Pie Pichache: ‘I'm very sorry, Miss Pie.’ Tila nga nagsilbing venue ang party ng Cannes Film Festival award-winning director upang mapagtibay ang pagkakaayos ang tatlo. In fact, nagka-trabaho na rin uli sina Brillante at Cherry Pie para sa isang AVP (audio-visual presentation). Unang nai-direk ni Brillante si Cherry Pie sa kanyang second Gawad Urian award-winning lead starrer na Foster Child (2007). Meanwhile, Baron is raring to work again with Ms. Cherry Pie, tulad ng nasabi ng aktor nang magkakasama silang tatlo sa isang mesa. "Mabait na ito," magiliw na sabi ni Direk Dante kay Cherry Pie, patungkol kay Baron.   "Hindi na ako binigyan ng sakit ng ulo niyan. Diyan siya natutulog sa make-up room," wika ni Direk Dante. Ang tinutukoy niyang make-up room ay nasa loob ng garden-studio-offices niya Sinuklian naman ni Cherry Pie ng pagsang-ayon ang sinabi ng direktor.  "Oo naman," ngiti niya. "I hope to work with Ms. Cherry Pie again," sambit nga ni Baron. Bago mag-hatinggabi kinantahan si Direk Brillante ng "Happy Birthday" ng mga dumalo. Pinaka-espesyal ang pagbati sa may kaarawan ng kanyang teen-age daughter na si Angel. FULFILLED. "I'm happy!" sambit ni Brillante Mendoza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang simpleng ceremony. Ayon pa sa kilalang direktor, wish fulfilled ang pagdating ng marami niyang mga kaibigan to celebrate the occasion. "Tonight, oo... Well, everybody was here—my actors from my past, recent, and upcoming films—they're all here! "We're like one, big, happy family," wika rin ni Direk Dante. "This is the most important thing sa akin. It's not only the end product, but it's about the film, the making of the film. "It's really the relationship—the friends you come to know and maintain for so long," sabi pa niya.  "And my filmmaker-friends are here, always giving me support, so I'm very happy!" MORE GUESTS. Namataan ng PEP sina Direk Peque Gallaga, CineManila Festival Director Tikoy Aguiluz, at ilang young indie filmmakers gaya nina Gino Santos, Khavyn dela Cruz, Sheron Dayoc, at debuting Cinemalaya Film Fest director Leo Abaya. Naroon din ang documentarist na si Baby Ruth Villarama of the Cinemalaya gay documentary, Jazz In Love, and her film editor-husband, Chuck Gutierrez. Bukod kina Dennis Trillo, Baron Geisler, Meryll Soriano, at Cherry Pie Picache, dumalo  sa birthday party ni Brillante si Angel Aquino at kanyang manager na si Ricky Gallardo, na kasama rin ang bagong talent niyang si Sandino, who rendered some songs, backed by a live band. Naroon din ang ilang indie film favorites, gaya nina Jay Gonzaga, Ma. Isabel Lopez, and daughter Mara Lopez na bida sa Cinemalaya 2013 New Breed entry na Debosyon at co-actor sa upcoming CineFilipino entry na Ang Kwento Ni Mabuti. Binanggit din ni Direk Dante sa PEP na ang kanyang bagong pelikulang Sapi ay magkakaroon ng world premiere sa Toronto International Film Festival ngayong September 2013. Ang pelikula, na kabilang sa horror-suspense genre, ay magku-compete din sa annual Zeitgeist International Filmfest sa Arizona ngayong October. "Sa October 2, magku-commercial run ang film dito naman [sa Pilipinas]," kuwento ni Direk Brillante. Masayang-masaya si Direk Brillante, na kamakailan ay nagawaran ng knighthood ng French Government, dahil patuloy pa ring nakakatanggap na international acclaim ang Nora Aunor-lead starrer niyang Thy Womb.  -- William R. Reyes, PEP
LOADING CONTENT