Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed -- PEP


 

Kumpirmadong break na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Bagamat wala pang direktang pag-amin mula sa dalawa, kinumpirma naman ng ilang malalapit sa kanila ang impormasyong ito.

Ngayong araw, October 18, ang ikalawang anibersaryo sana nina Jennylyn at Luis bilang magkasintahan.
 
Nitong nakaraang Oct. 2, lumabas din sa isang ulat ng PEP ang ginawang pagtanggi ni Jennylyn na break na sila ni Luis.

Nag-umpisa ang alingasngas na break na raw ang dalawa dahil nitong mga nakaraang araw ay wala silang ipinu-post na mga larawan sa Instagram na magkasama sila. Wala ring updates sa kung ano ang mga kaganapan sa kanilang dalawa.

“Naku, hindi totoo ‘yan! No, no, no!,” tugon noon ng aktres sa tanong kung totoo na hiwalay na sila ni Luis.

Basahin: Jennylyn Mercado, sinagot ang mga tanong sa balitang break na sila ni Luis Manzano
 
Ayon sa nakuhang impormasyon ng PEP, ayaw na raw munang pagtuunan ng pansin ni Jennylyn, 26, ang kanyang lovelife.

Sa susunod na linggo ay gaganapin ang story conference ng bagong drama series ni Jennylyn sa GMA.

Dito ay baka sakaling magsalita na ang Kapuso actress-TV host tungkol sa breakup nila ni Luis.

Sa mensahe naman ni Luis sa PEP senior staff writer na si Bernie Franco sa Facebook ngayong araw, sinabi ng Kapamilya TV host actor: "We would like to keep it private muna" -- 
Erwin Santiago, PEP