ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jennylyn Mercado posts Instagram message about 'walking away'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngunit nakapukaw ng atensiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang netizens ang post ni Jennylyn sa Instagram (mercadojenny) ngayong Huwebes ng umaga, October 24.
Isa itong quotation na tumutukoy sa mga taong umaalis sa ating buhay:
"When people walk away, let them. Your future is not about people who walk away, it's about the people who stay in it for the ride."
Walang caption ang naturang post ng Kapuso actress-TV host.
Kapansin-pansin din sa Instragram ni Jennylyn na burado na ang lahat ng mga larawan nila ni Luis.
Basahin: Jennylyn Mercado-Luis Manzano breakup confirmed
Basahin: Isa pang celebrity couple, hiwalay na rin?
Sa Instagram naman ni Luis, hindi pa nito binubura ang larawan ng mga kamay nila ni Jennylyn, kung saan ipinapakita ang suot nilang mga relos.
Pareho na ring nag-unfollow ang dating magkasintahan sa isa't isa.
Incidentally, parehong may 370 posts sina Luis at Jennylyn sa kani-kanilang account sa Instagram. -- Arniel C. Serato, PEP
Tags: jennylynmercado
More Videos
Most Popular